Mga Salmo14
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1“Walang Diyos!”Iyan ang sinasabi ng hangalsa kanilang sarili.Masasama sila at kasuklam-suklamang kanilang mga gawa.Ni isa sa kanila ay walanggumagawa ng mabuti.2Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoonang lahat ng tao,kung may nakakaunawa ng katotohananat naghahanap sa kanya.3Ngunit ang lahat ay naligaw ng landasat pare-parehong nabulok ang pagkatao.Wala ni isa man ang gumagawa ng mabuti.4Kailan kaya matututo ang masasamang tao?Sinasamantala nila ang aking mga kababayanpara sa kanilang pansariling kapakanan.At hindi sila nananalangin sa Panginoon.5Ngunit darating ang arawna manginginig sila sa takot,dahil kakampihan ng Diyos ang mga matuwid.6Sinisira ng masasamang taoang mga plano ng mga dukha,ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila.7Dumating na sanaang Tagapagligtas ng Israelmula sa Zion!Magsasaya ang mga Israelita,ang mga mamamayan ng Panginoon,kapag naibalik na niyaang kanilang kasaganaan.Biblica, Inc.