Mga Salmo146

1Purihin ang Panginoon!Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.
2Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon.Aawitan ko ang aking Diyosng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.3Huwag kayong magtiwalasa mga makapangyarihang tao o kaninuman,dahil silaʼy hindi makapagliligtas.4Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa,at ang kanilang mga binabalakay mawawalang lahat.5Mapalad ang tao na ang tulongay nagmumula sa Diyos ni Jacob,na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon,na kanyang Diyos.
6ang lumikha ng langit at lupa,ng dagat at ng lahat ng narito.Mananatili siyang tapat magpakailanman.7Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi,at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom.Pinalalaya ng Panginoonang mga bilanggo.8Pinagagaling niya ang mga bulagupang makakita,pinalalakas ang mga nanghihina,at ang mga matuwid ay minamahal niya.9Iniingatan niya ang mga dayuhan,tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda,ngunit hinahadlangan niyaang mga kagustuhan ng masasamâ.
10Mga taga-Zion, ang Panginoonna inyong Diyosay maghahari magpakailanman.Purihin ang Panginoon!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3