Mga Salmo147

1Purihin ang Panginoon!Napakabuting umawitng pagpupuri sa ating Diyos.Napakabuti at nararapat langna siya ay purihin.
2Itinatayong muli ng Panginoonang Jerusalem,at muli niyang tinitiponang mga nabihag na Israelita.3Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo,at ginagamot ang kanilang mga sugat.4Ang bilang ng mga bituinay kanyang nalalamanat ang bawat isaay binigyan niya ng pangalan.5Makapangyarihan ang ating Panginoon.Ang kanyang karununganay walang hangganan.6Tinutulungan ng Panginoonang mga inaapi,ngunit nililipol niya nang lubosang masasama.
7Umawit kayo ng pasasalamat sa Panginoon.Tumugtog kayo ng alpapara sa ating Diyos.
8Pinupuno niya ng mga ulapang kalawakan,at pinauulanan niya ang mundo,at pinatutubo ang mga damo sa kabundukan.9Binibigyan niya ng pagkainang mga hayopat ang mga inakay na uwakkapag dumadaing ang mga ito.
10Hindi siya nalulugodsa lakas ng mga kabayoo sa kagitingan ng mga kawal.11Ang Panginoon ay nalulugodsa mga may takot sa kanyaat nagtitiwala sa kanyang tapat na pag-ibig.
12Purihin ninyo ang Panginoonna inyong Diyos,kayong mga naninirahan sa Zion,ang lungsod ng Jerusalem!
13Dahil pinatitibay niyaang pintuan ng inyong bayan,at kayoʼy kanyang pinagpapala.14Binibigyan niya ng kapayapaanang inyong lugar,at binubusog niya kayong pinakamabuting trigo.
15Inuutusan niya ang mundo,at agad naman itong sumusunod.16Inilalatag niya sa lupa ang niyebena parang mga puting kumot,at ikinakalat na parang abo.17Nagpapadala siya ng ulan na yelona parang maliliit na bato.Kahit sino ay walang makatagalsa lamig nito.18Sa kanyang utos,ang yelo ay natutunaw.Pinaiihip niya ang hangin,at ang yeloay nagiging tubig na umaagos.
19Ipinahayag niya ang kanyang mga salita,mga tuntunin at mga utossa mga taga-Israel na lahi ni Jacob.20Hindi niya ito ginawa sa ibang mga bansa;hindi nila alam ang kanyang mga utos.Purihin ang Panginoon!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3