Mga Salmo145

Papuring awit na isinulat ni David.

1Ako ay magpupuri sa inyo, aking Diyos at Hari.Pupurihin ko kayo magpakailanman.2Pupurihin ko kayo araw-araw,at itoʼy gagawin ko magpakailanman.
3Panginoon, kayoʼy makapangyarihanat karapat-dapat na purihin.Ang inyong kadakilaanay hindi kayang unawain.4Ang bawat salinlahi ay magsasabisa susunod na salinlahing tungkol sa inyong makapangyarihang gawa.5Pagbubulay-bulayan koang inyong kadakilaan at kapangyarihan,at ang inyong kahanga-hangang mga gawa.6Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihanat kahanga-hangang mga gawa,at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan.7Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan,at aawit sila nang may kagalakantungkol sa inyong katuwiran.
8Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin;hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.9Panginoon, mabuti kayo sa lahat;nagmamalasakit kayosa lahat ng inyong nilikha.10Pasasalamatan kayo, Panginoon,ng lahat ng inyong nilikha;pupurihin kayo ng inyong mga tapatna mamamayan.11Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihanat ang kadakilaan ng inyong paghahari,12upang malamanng lahat ang inyong dakilang mga gawaat ang kadakilaan ng inyong paghahari.13Ang inyong paghahariay magpakailanman.Panginoon, tapat kayosa inyong mga pangako,at mapagmahal kayosa lahat ng inyong nilikha.14Tinutulungan ninyo ang mga dumaranasng kahirapan,at pinalalakas ang mga nanghihina.15Ang lahat ng nilalang na may buhayay umaasa sa inyo,at binibigyan nʼyo sila ng pagkainsa panahong kailangan nila.16Sapat ang inyong ibinibigayat silaʼy lubos na nasisiyahan.17Panginoon, matuwid kayosa lahat ng inyong pamamaraan,at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.18Kayoʼy malapit sa lahat ng tapatna tumatawag sa inyo.19Ibinibigay ninyo ang naisng mga taong may takot sa inyo;pinapakinggan ninyo ang kanilang mga daingat inililigtas nʼyo sila.20Binabantayan ninyo ang mga umiibig sa inyo,ngunit ang masasama ay lilipulin ninyo.21Pupurihin ko kayo, Panginoon!Ang lahat ng nilikhaay magpupuri sa inyo magpakailanman.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3