Mga Salmo13

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Hanggang kailan Panginoon?Habambuhay ba ninyo akong kalilimutan?Hanggang kailan ninyo ako tatalikuran?2Hanggang kailan ko dadalhinitong aking mga pangamba?Ang kalungkutan sa puso ko, kailan ito mawawala?Hanggang kailan ba ako matatalong aking mga kaaway?
3Panginoon kong Diyos,bigyan nʼyo ako ng pansin;sagutin nʼyo ang aking dalangin.Ibalik po ninyo ang ningningsa aking mga mata,upang hindi ako mamatay4at upang hindi masabi ng aking mga kaawayna natalo nila ako,sapagkat tiyak na silaʼy magagalakkung akoʼy mapahamak.5Panginoon, naniniwala po akona akoʼy inyong mahal.Nagagalak ang puso kodahil sa pagliligtas ninyo.6Panginoon, aawitan kitadahil napakabuti nʼyo sa akinmula pa noon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3