Mga Salmo12
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may walong kuwerdas.
1Panginoon, tulungan po ninyo kami,dahil wala nang tapat sa inyo,at wala na ring naninindigansa katotohanan.2Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa.Nambobola sila upang makapandaya ng iba.3Patigilin sana ng Panginoonang mga nambobola,at ang mga mayayabang.4Sinasabi nila,“Sa pamamagitan ng aming pananalitaay magtatagumpay kami.Sasabihin namin ang gusto naming sabihin,at walang sinumang makakapigil sa amin.”5Sinabi ng Panginoon,“Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha,at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap.Kayaʼt ibibigay ko sa kanilaang pinapangarap nilang kaligtasan.”6Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan,gaya ng purong pilak na pitong ulit na nilinissa nagliliyab na pugon.7Panginoon, nalalaman naminna kami ay inyong iingatan,at ilalayo sa masamang henerasyong ito,magpakailanman.8Nagkalat ang mga masasamâ,at pinupuri pa ng lahatang kanilang kasuklam-suklam na gawa.Biblica, Inc.