Mga Salmo128

Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1Mapalad kayong may takot sa Panginoon,na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.2Ang inyong pinaghirapanay magiging sapat sa inyong pangangailangan,at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.3Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasansa inyong tahanan, na sagana sa bunga,at ang inyong mga anak na nakapaligidsa inyong hapag-kainanay parang mga bagong tanim na olibo.4Ganito pagpapalain ang sinumangmay takot sa Panginoon.
5Pagpalain sana kayo ng Panginoonmula sa Zion.Makita sana ninyong umuunlad ang Jerusalemhabang kayoʼy nabubuhay.6Makita sana ninyo ang inyong mga apo.Mapasaiyo nawa Israel ang kapayapaan!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3