Mga Salmo127

Awit na isinulat ni Solomon para sa mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1Kung wala ang tulong ng Panginoonsa pagtayo ng bahay,walang kabuluhan ang pagtatayo nito.Kung wala ang pag-iingat ng Panginoon sa bayan,walang kabuluhan ang pagbabantay dito.2Walang kabuluhan ang paggising nang maagaat pagtulog nang gabing-gabi na sa pagtatrabaho upang may makain,dahil ang Panginoon ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga minamahal,kahit silaʼy natutulog.
3Ang mga anak ay pagpapalaat gantimpalang mula sa Panginoon.4Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang amaay parang pana sa kamay ng sundalo.5Mapalad ang taong may maraming anak,dahil may tutulong sa kanyakapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3