Mga Salmo129
Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
1Mga taga-Israel, sabihin ninyokung paano kayo pinahirapanng inyong mga kaawaymula nang itatag ang inyong bansa.2“Maraming beses nila kaming pinahirapanmula pa nang itatag ang aming bansa.Ngunit hindi sila nagtagumpay laban sa amin.3Sinugatan nila nang malalim ang aming likod,na parang lupang inararo.4Ngunit ang Panginoon ay matuwid,pinalaya niya kami sa pagkaalipinmula sa masasamâ.”5Magsitakas sana dahil sa kahihiyanang lahat ng namumuhi sa Zion.6Matulad sana sila sa damong tumutubo sa bubungan ng bahay,na nang tumubo ay agad ding namatay.7Walang nagtitipon ng ganitong damoo nagdadala nito na nakabigkis.8Sanaʼy walang sinumang dumadaan na magsasabi sa kanila,“Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!Pinagpapala namin kayo sa pangalan ng Panginoon.”Biblica, Inc.