Mga Salmo126
Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
1Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zionang mga nabihag, itoʼy parang panaginip lamang.2Tayo nooʼy nagtatawananat nag-aawitan sa labis na kagalakan.At sinabi ng ibang mga bansa,“Napakadakila ng mga bagayna ginawa ng Panginoon para sa kanila.”3Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon,at punong-puno tayo ng kagalakan.4Panginoon, muli nʼyo kaming paunlarin,tulad ng tuyong batis na muling nagkaroon ng tubig.5Silang nagtatanim na lumuluhaay mag-aaning tuwang-tuwa.6Ang umalis na lumuluha,na may dalang binhi na itatanimay babalik na masaya,na may dala-dalang mga ani.Biblica, Inc.