Mga Salmo125
Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
1Ang mga nagtitiwala sa Panginoonay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag,sa halip ay nananatili, magpakailanman.2Kung paanong ang mga bundokay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem,ang Panginoon ay nasa paligid dinng kanyang mga mamamayan, magpakailanman.3Ang masama ay hindi mananatiling namamahalasa lupaing para sa mga matuwid,dahil baka makagawa rin ng masamaang mga matuwid.4Panginoon, ipakita ninyo ang inyong kabutihansa mga taong mabuti at namumuhay nang matuwid.5Ngunit parusahan ninyo kasama ng masasamaang inyong mamamayan na sumusunodsa hindi wastong pamumuhay.Mapasaiyo nawa, Israel, ang kapayapaan.Biblica, Inc.