Mga Salmo122

Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

1Ako ay nagalak ng sabihin nila sa akin,“Pumunta tayo sa templo ng Panginoon.”2At ngayoʼy narito na kamiat nakatayo sa pintuan ng Jerusalem.
3Ang Jerusalem ay bayanna itinayong maganda at matibay.4Dito pumupunta ang mga lahi ng Israelupang purihin ang Panginoonng naaayon sa kanyang itinuro sa kanila.5Dito sa Jerusalem ang hukuman ng mga harina mula sa angkan ni David.
6Idalangin ninyo na maging mabuti ang kalagayan ng Jerusalem:“Umunlad sana ang nagmamahal sa bayan na ito.7Magkaroon sana ng kapayapaan sa loob ng Jerusalemat kaunlaran sa palasyo nito.”
8Alang-alang sa aking mga kamag-anakat mga kaibigan, sasabihin ko sa Jerusalem,“Sumainyo ang kapayapaan.”9Alang-alang sa templo ng Panginoon na ating Diyos,mananalangin ako para sa kabutihanat kaunlaran ng Jerusalem.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3