Mga Salmo121

Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

1Napapatanaw ako sa mga bundok;saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?2Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,na gumawa ng langit at ng lupa.
3Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.4Pakinggan mo ito!Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.
5Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.6Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi. 
7Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.8Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,ngayon at magpakailanman.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3