Mga Salmo123

Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

1Panginoon, dumadalangin ako sa inyo,sa inyo na nakaupo sa inyong trono sa langit.2Kung paanong ang alipinay naghihintay sa ibibigay ng kanyang amo,at ang babaeng alipin sa kanyang among babae,gayundin naman, naghihintay kami sa tulong at habag ng Panginoon naming Diyos.3Maawa kayo sa amin Panginoon,dahil labis na ang panghahamak sa amin.4Labis-labis na ang pangungutya sa aminng mga taong hambog at mapang-api.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3