Mga Salmo120
Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.
1Sa aking paghihirap akoʼy tumawag sa Panginoon,at akoʼy kanyang sinagot.2Panginoon, iligtas nʼyo akosa mga mandaraya at sinungaling.3Kayong mga sinungaling,ano kaya ang parusa ng Diyos sa inyo?4Parurusahan niya kayosa pamamagitan ng matatalim na pana ng mga kawalat nagliliyab na baga.5Nakakaawa ako dahil naninirahan akong kasamang mga taong kasinsama ng mga taga-Mesecat mga taga-Kedar.6Matagal na rin akong naninirahangkasama ng mga walang hilig sa kapayapaan.7Ang nais koʼy kapayapaan,ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan,ang gusto nilaʼy digmaan.Biblica, Inc.