Mga Salmo119

1Mapalad ang taong namumuhaynang walang kapintasan,at naaayon sa utos ng Panginoon.2Mapalad ang taong sumusunodsa mga katuruan ng Diyos,at buong pusong hinahanapang kanyang kalooban.3Hindi sila gumagawa ng masamasa halip ay sumusunodsa mga pamamaraan ng Diyos.4Panginoon, ibinigay ninyo sa aminang inyong mga tuntuninupang itoʼy matapat naming sundin.5Labis kong ninanaisna maging tapatsa pagsunod sa inyongmga tuntunin.6At hindi ako mapapahiyakapag sinunod koang inyong mga utos.7Akoʼy magpupuri sa inyonang may malinis na puso,habang pinag-aaralan koang inyong matuwid na mga utos.8Susundin koang inyongmga tuntunin,kaya huwag ninyo akong pababayaan.9Paano mapapanatili ng isang kabataanna dalisay ang kanyang buhay?Sa pamamagitan ng pamumuhay niyaayon sa inyong salita.10Buong puso akong lumalapit sa inyo;kaya akoʼy tulungan ninyona huwag lumihis sa mga utos ninyo.11Ang salita ninyo ay iningatan kosa aking pusoupang hindi ako magkasala sa inyo.12Purihin kayo Panginoon!Ituro ninyo sa akinang inyong mga tuntunin.13Ang mga kautusang inyong ibinigayay lagi kong sasambitin,isisigaw ko nang malakas.14Nagagalak akong sumunodsa inyong mga katuruan,higit pa sa kagalakang dulotng mga kayamanan.15Ang inyong mga tuntuninay aking pinagbubulay-bulayanat iniisip kong mabutiang inyong pamamaraan.
16Magagalak ako sa inyong mga tuntunin,at ang inyong mga salitaʼyhindi ko lilimutin.17Ipadama ninyo ang inyong kabutihansa akin na inyong lingkod,upang patuloy akong makasunodat makapamuhay ayon sa inyong salita.18Buksan ninyo ang aking isipanupang aking maunawaanang kahanga-hangang katotohananng inyong kautusan.19Akoʼy pansamantala lang dito sa sanlibutan,kaya ipaliwanag ninyo sa akinang inyong mga utos.20Sa lahat ng oras ay naghahangad akona malaman ang kautusan ninyo.21Ang mga hambog ay sinasaway ninyoat isinusumpa ang mga lumalabagsa mga utos ninyo.22Ilayo ninyo ako sa kanilang panghihiyaat pangungutya,sapagkat sinusunod koang inyong mga turo.23Kahit na magtipon ang mga namumunoat magsalita laban sa akin,akong lingkod ninyo ay patuloy na magbubulay-bulaysa inyong mga tuntunin.24Ang inyong mga turo ay nagbibigaysa akin ng kagalakan,at nagsisilbing aking tagapayo.25Akoʼy parang mamamatay na,kaya akoʼy panatilihin ninyong buháyayon sa inyong pangako.26Sinabi ko sa inyo ang tungkolsa aking pamumuhayat akoʼy pinakinggan ninyo.Ituro ninyo sa akinang inyong mga tuntunin.27Ipaunawa ninyo sa akin ang inyongmga tuntunin,upang pagbulay-bulayan koang inyong kahanga-hangang mga gawa.28Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan,palakasin ninyo akoayon sa inyong pangako.29Ilayo ninyo ako mula sa paggawa ng masama,at tulungan ninyo akong sundinang inyong kautusan.30Pinili ko ang tamang daan,gusto kong sumunodsa inyong mga utos.31Panginoon, sinunod koang inyong mga turo,kaya huwag ninyong papayagangmapahiya ako.32Pinagsisikapan kong sundinang inyong mga utos,dahil pinapalawak ninyoang aking pang-unawa.33Panginoon, ituro ninyo sa akinang inyong mga tuntunin,at habang nabubuhay,itoʼy aking susundin.34Bigyan ninyo ako ng pang-unawasa inyong kautusan,at itoʼy buong puso kong susundinat iingatan.35Pangunahan ninyo ako sa aking pagsunodsa inyong mga utos,dahil ito ang aking kasiyahan.36Bigyan ninyo ako ng pagnanaisna sundin ang inyong mga turoat hindi ang pagnanais na yumaman.37Ilayo ninyo ako sa mga bagayna walang kabuluhan.Ingatan ninyo ang aking buhayayon sa inyong pangako.38Tuparin ninyo ang inyong ipinangakosa akin na inyong lingkod,na ipinangako ninyosa mga may takot sa inyo.39Alisin ninyo ang mga kahihiyanna aking kinatatakutan,dahil ang inyong mga tuntuninay pawang kabutihan.40Gusto kong sundinang inyong mga tuntunin.Sa inyong katuwiraʼy,ingatan ninyoang aking buhay.41Panginoon, ipakita ninyoang inyong pag-ibig at pagliligtas sa akin,ayon sa inyong pangako.42Pagkatapos sasagutin koang mga kumukutya sa akin,dahil akoʼy nagtitiwalasa inyong mga salita.43Tulungan ninyo akong masabiang katotohanansa lahat ng pagkakataon,dahil ang pag-asa koay nakasalalaysa inyong mga utos.44Lagi kong susundinang inyong kautusanhabang akoʼy nabubuhay.45Mamumuhay akong may kalayaan,dahil pinagsisikapan kong sundinang inyong mga tuntunin.46Hindi ko ikakahiyang sabihinang inyong mga turosa harapan ng mga hari.47Nagagalak akong sundinang inyong mga utosdahil mahal ko ang mga ito.48Iginagalang ko ang inyong mga utosna aking minamahal,at pinagbubulay-bulayan koang inyong mga tuntunin.49Alalahanin ninyo ang inyong pangakosa akin na inyong lingkod,dahil ito ang nagbibigay sa akin ng pag-asa.50Ang inyong mga pangakoang siyang nagpapalakasat umaaliw sa akinsa mga paghihirap na aking dinaranas.51Palagi akong hinahamakng mga hambog,ngunit hindi ako humihiwalaysa inyong kautusan.52Panginoon, inaalala koang inyong mga panuntunangibinigay noong una,at silaʼy nagbibigay sa akinng kaaliwan.53Akoʼy galit na galitsa masasamang tao,na ayaw sumunodsa inyong kautusan.54Umaawit ako tungkol sa inyongmga tuntuninkahit saan man ako nanunuluyan.55Panginoon, sa gabiay inaalala ko kayoat iniisip ko kung paano ko masusunodang inyong kautusan.56Ito ang aking kagalakan:ang sumunod sa inyongmga tuntunin.57Kayo lang Panginoon,ang tangi kong kailangan.Akoʼy nangangakong susundinang inyong mga salita.58Buong puso akong nakikiusap sa inyona akoʼy inyong kahabaganayon sa inyong pangako.59Pinag-isipan ko ang aking pamumuhay,at napagpasyahan kong sumunodsa inyong mga turo.60Dali-dali at di ko ipagpapalibanang pagsunod sa inyong mga utos.61Kahit iginagapos ako ng masasama,hindi ko kinakalimutanang inyong kautusan.62Kahit hatinggabi ay gumigising akopara kayoʼy pasalamatansa inyong matuwid na mga utos.63Akoʼy kaibigan ng lahatng may takot sa inyoat sumusunod sa inyong mga tuntunin.64Panginoon, minamahal ninyoang lahat ng tao sa buong mundo.Ituro ninyo sa akinang inyong mga tuntunin.65Panginoon, kabi-kabilang kabutihanang ipinaranas ninyo sa akinna inyong lingkod,sang-ayon sa inyong pangako.66Bigyan ninyo ako ng kaalamanat karunungan,dahil nagtitiwala akosa inyong mga utos.67Nang akoʼy hindi pa ninyo pinarurusahan,akoʼy lumayo sa inyo,ngunit ngayoʼy sinusunod ko naang inyong mga salita.68Napakabuti ninyo at mabutiang inyong mga gawa.Ituro ninyo sa akin ang inyongmga tuntunin.69Kahit na akoʼy sinisiraanng mga taong mapagmataas,buong puso ko pa ring tinutupadang inyong mga tuntunin.70Hindi sila nakakaunawang inyong kautusan,ngunit akoʼy sumusunod sa inyong mga utosnang may kagalakan.71Mabuti na pinarusahan ninyo ako,dahil sa pamamagitan nitoʼynatutunan ko ang inyong mga turo.
72Para sa akin, ang kautusanna ibinigay niyoʼyhigit na mahalagakaysa sa maraming kayamanan.73Akoʼy nilikha at hinubog ninyo;kaya bigyan ninyo ako ng pang-unawaupang matutunan koang inyong mga utos.74Matutuwa ang mga may takot sa inyokapag akoʼy kanilang nakita,dahil akoʼy nagtitiwalasa inyong salita.75Panginoon alam kong matuwidang inyong mga utos.At dahil kayo ay matapat,akoʼy inyong dinisiplina.76Sanaʼy aliwin ninyo akong inyong pagmamahalayon sa pangako ninyo sa akinna inyong lingkod.77Kahabagan ninyo akoupang patuloy akong mabuhay,dahil nagagalak akong sumunodsa inyong kautusan.78Mapahiya sana ang mga mapagmataasdahil sa paninira nila sa akin.Subalit ako ay magbubulay-bulayng inyong mga tuntunin.79Magsilapit sana sa akinang mga may takot sa inyoat nakakaalam ng inyong mga turo.80Sanaʼy masunod konang buong pusoang inyong mga tuntuninupang hindi ako mapahiya.81Napapagod na ako sa paghihintayng inyong pagliligtas sa akin,ngunit umaasa pa rin akosa inyong mga salita.82Lumalamlam na ang aking paninginsa paghihintay ng katuparanng pangako ninyo sa akin.Ang tanong koʼy, “Kailan pa ninyo akopalalakasin at aaliwin?”83Kahit na akoʼy tulad ng sisidlang-balatna hindi na mapakinabangan,hindi ko pa rin nakakalimutanang inyong mga tuntunin.84Hanggang kailan pa kayaang aking paghihintay?Kailan ninyo parurusahanang mga umuusig sa akinna inyong lingkod?85Ang mga mapagmataas na hindi sumusunodsa inyong mga kautusanay naghukay ng mga patibongupang akoʼy hulihin.86Kaya tulungan ninyo akodahil akoʼy kanilang inuusignang walang dahilan,hanggang sa akoʼy nabingit nasa kamatayan.Ngunit hindi ko tinalikuran ang inyong mga tuntunindahil maaasahan ang inyong mga utos.88Ingatan ninyo ang aking buhayayon sa inyong pag-ibig sa akin,upang masunod ko ang mga turona ibinigay ninyo.89Panginoon, ang salita nʼyoay mananatili magpakailanman;hindi ito magbabago tulad ng kalangitan.90Ang inyong katapatan ay magpapatuloysa lahat ng salinlahi.Matibay ninyong itinatag ang mundo,kaya itoʼy nananatili.91Ang lahat ng bagay ay nananatilihanggang ngayon ayon sa inyong nais.Dahil ang lahat ng bagayay sumusunod sa inyo.92Kung ang inyong kautusan ay hindinagbibigay sa akin ng kaaliwan,namatay na sana akodahil sa paghihirap na dinanas ko.93Hindi ko kailanman lilimutinang inyong mga tuntunin,dahil sa pamamagitan nitoʼypatuloy ninyo akong binubuhay.94Akoʼy inyo, kaya akoʼy iligtas ninyo!Dahil pinagsisikapan kong sundinang inyong mga tuntunin.95Nag-aabang ang masasamaupang akoʼy patayin,ngunit iisipin ko ang inyong mga turo.96Nakita kong ang lahat ng bagayay may katapusan,ngunit ang inyong mga utosay mananatili magpakailanman.97Labis kong iniibig ang inyong kautusan.Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan.98Ang inyong mga utos ay nasa puso ko,kaya akoʼy mas marunongkaysa sa mga kaaway ko.99Mas marami ang aking naunawaankaysa sa aking mga guro,sapagkat lagi kong pinagbubulay-bulayanang inyong mga katuruan.100Higit pa ang aking pang-unawakaysa sa matatanda,sapagkat sumusunod ako sa mga tuntunin ninyo.101Iniiwasan ko ang masamang pag-uugali,upang masunod koang inyong mga salita.102Hindi ako lumihis sa inyong mga utos,dahil kayo ang nagturo sa akin.103Kay tamis ng inyong mga salita,mas matamis pa ito kaysa sa pulot.104Sa inyong mga tuntunin,pang-unawa koʼy lumalawak,kaya kinamumuhian koang lahat ng gawaing masama.105Ang salita ninyo ay ilawsa aking paanan,nagbibigay-liwanag sa aking daraanan.106Nanumpa ako at muling nangangakona susundin ko ang mga matuwidna utos ninyo.107Hirap na hirap na po ako Panginoon;panatilihin ninyo akong buháyayon sa inyong pangako.108Tanggapin ninyo Panginoonang taos-puso kong pagpupuri,at ituro ninyo sa akin ang inyong mga utos.109Kahit na akoʼy palagiangnasa bingit ng kamatayan,hindi ko kinakalimutanang inyong mga kautusan.110Ang masasamaʼy naghandang patibong para sa akin,ngunit hindi ako humihiwalaysa inyong mga tuntunin.111Ang inyong mga turoang mana kong walang hanggan,sapagkat itoʼy nagbibigaysa akin ng kagalakan.112Aking napagpasyahanna susundin koang inyong mga tuntuninhanggang dulo.113Kinamumuhian ko ang mga taonghindi tapat sa inyo,ngunit iniibig ko ang inyong mga kautusan.114Kayo ang kanlunganat pananggalang ko;sa inyong mga salitaʼy umaasa ako.115Lumayo kayo sa akin,kayong mga gumagawa ng masama,upang masunod ko ang mga utosng aking Diyos.116Panginoon, bigyan po ninyo akong kalakasanayon sa inyong pangakoupang ako ay patuloy na mabuhay;at huwag ninyong hayaanna mabigo akosa aking pag-asa sa inyo.117Tulungan ninyo ako upang akoʼy maligtas;at nang lagi kong maituonsa inyong mga tuntuninang aking isipan.118Itinatakwil ninyo ang lahatna lumalayosa inyong mga tuntunin.Ang kanilang panlilinlangay walang kabuluhan.119Basura ang tingin ninyosa lahat ng masasama rito sa mundo,kaya naman iniibig koang inyong mga turo.120Nanginginig ako sa takot sa inyo;sa hatol na inyong gagawinay natatakot ako.121Ginawa ko ang matuwidat makatarungan,kaya sa aking mga kaaway,huwag ninyo akong pababayaan.122Ipangako ninyong akoʼy tutulunganhuwag pabayaang apihin akong mga mayayabang.123Nagdidilim na ang aking paninginsa paghihintay sa inyong pangakona ililigtas ako.124Gawin ninyo sa akin na inyong lingkodang naaayon sa inyong pagmamahal,at ituro ninyo sa akinang inyong mga tuntunin.125Ako ay inyong lingkod, kaya bigyan ninyo akong pang-unawa,upang maunawaan koang inyong mga katuruan.126Panginoon, ito na ang panahonpara kayo ay kumilos,dahil nilalabag ng mga taoang inyong kautusan.127Pinahahalagahan koang inyong mga utos,nang higit pa kaysa sa gintoo pinakadalisay na ginto.128Sinusunod ko ang lahatng inyong mga tuntunin,kaya kinamumuhian koang lahat ng masamang gawain.129Kahanga-hanga ang inyong mga turo,kaya sinusunod ko itonang buong puso.130Ang pagpapahayag ng inyong mga salitaay nagbibigay-liwanag sa isipan ng taoat karunungan sa mga kulangsa kaalaman.131Labis kong hinahangad ang inyong mga utos.132Masdan ninyo ako at kahabagan,gaya ng lagi ninyong ginagawasa mga umiibig sa inyo.133Patnubayan ninyo ako ng inyong mga salita,at huwag ninyong hayaang akoʼy pagharianng kasamaan.134Iligtas ninyo ako sa mga nang-aapi sa akin,upang masunod ko ang inyongmga tuntunin.135Ipakita ninyo sa akin na inyong lingkodang inyong kabutihan,at turuan ninyo ako ng inyongmga tuntunin.136Labis akong umiiyakdahil hindi sinusunod ng mga taoang inyong kautusan.137Matuwid kayo, Panginoon,at tama ang inyong mga paghatol.138Ang inyong ibinigay na mga turoay matuwid at mapagkatiwalaan.139Labis ang aking galitdahil binalewala ng akingmga kaawayang inyong mga salita.140Napatunayan na maaasahanang inyong mga pangako,kaya napakahalaga nito sa akinna inyong lingkod.141Kahit mahirap lang ako at inaayawan,hindi ko kinakalimutan ang inyongmga tuntunin.142Walang katapusan ang inyong katuwiran,at ang inyong kautusanay batay sa katotohanan.143Dumating sa akin ang mga kaguluhanat kahirapan,ngunit ang inyong mga utosay nagbigay sa akin ng kagalakan.144Ang inyong mga turo ay matuwidat walang hanggan.Bigyan ninyo ako ng pang-unawaupang patuloy akong mabuhay.145Panginoon, buong puso akongtumatawag sa inyo;sagutin ninyo ako, at susundin koang inyong mga tuntunin.146Tumatawag ako sa inyo;iligtas ninyo ako, at susundin koang inyong mga tuntunin.147Gising na ako bago pa sumikat ang arawat humihingi ng tulong sa inyo,dahil nagtitiwala akosa inyong pangako.148Akoʼy nagpuyat nang buong magdamag,upang pagbulay-bulayanang inyong mga pangako.149Panginoon, dinggin ninyo akoayon sa inyong pagmamahal;ingatan ninyo ang aking buhayayon sa inyong paghatol. 150Palapit na nang palapitang masasamang umuusig sa akin,ang mga taong tumatanggisa inyong kautusan.151Ngunit malapit kayo sa akin,Panginoon;at ang inyong mga utosay maaasahan.152Sa pag-aaral ko ng inyong mga turo,naunawaan ko noon pa manna ang inyong mga katuruanay magpapatuloy magpakailanman.153Masdan ninyo ang dinaranas kongpaghihirap at akoʼy inyong iligtas,dahil hindi ko kinakalimutanang inyong kautusan.154Ipagtanggol ninyo ako at iligtas,ingatan ninyo ang aking buhayayon sa inyong pangako.155Hindi maliligtas ang masasamâ,dahil hindi nila ipinamumuhayang inyong mga tuntunin.156Napakamaawain ninyo Panginoon;ingatan ninyo ang aking buhayayon sa inyong paghatol. 157Marami ang umuusig sa akin,ngunit hindi ako lumayosa inyong mga turo.158Kinasusuklaman koang mga hindi tapat sa inyo,dahil hindi nila sinusunodang inyong salita.159Tingnan ninyo Panginoonkung paano ko sinusunodang inyong mga tuntunin.Ingatan ninyo ang aking buhayayon sa inyong tapat na pag-ibig.160Totoo ang lahat ng inyong salita,at ang inyong mga utosay makatuwiran magpakailanman.161Inuusig ako ng mga namumunonang walang dahilan,ngunit salita lamang ninyoang aking kinatatakutan.162Nagagalak akosa inyong mga pangako,tulad ng isang taong nakatuklasng malaking kayamanan.163Namumuhi ako at nasusuklamsa kasinungalingan,ngunit iniibig ko ang inyong kautusan.164Pitong beses  akong nagpupuri sa inyobawat araw dahil matuwidang inyong mga utos.165Magiging payapaʼt tiwasayang kalagayan ng mga umiibigsa inyong kautusan,at silaʼy hindi mabubuwal.166Panginoon umaasa akona akoʼy inyong ililigtas,at sinusunod ko ang inyong mga utos.167Buong puso kong iniibigang inyong mga turo,at itoʼy sinusunod ko.168Ang lahat kong ginagawaay inyong nalalaman,kaya sinusunod ko ang inyongmga tuntunin at katuruan.169Panginoon, pakinggan sana ninyoang aking hinaing.Bigyan ninyo ako ng pang-unawaayon sa inyong pangako.170Sanaʼy dinggin ninyoang aking dalangin,at iligtas ako katulad ng inyong ipinangako.171Lagi akong magpupuri sa inyo,dahil tinuturuan ninyo akong inyong mga tuntunin.172Akoʼy aawit tungkol sa inyong mga salita,dahil matuwid ang lahatng inyong mga utos.173Palagi sana kayong maging handana akoʼy tulungan,dahil pinili kong sundinang inyong mga tuntunin.174Panginoon, nananabik akosa inyong pagliligtas.Ang kautusan ninyo ay nagbibigaysa akin ng kagalakan.175Panatilihin ninyo ang aking buhaypara kayoʼy aking mapapurihan,at sanaʼy tulungan akong inyong mga utos na masunodang inyong kalooban.176Para akong tupang naligaw at nawala,kaya hanapin ninyo akona inyong lingkod,dahil hindi ko kinakalimutanang inyong mga utos.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3