Mga Salmo11
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1Sa Panginoon ako kumakanlong.Ngunit sinasabi ninyo sa akin,“Tumakas ka papuntang kabundukan,lumipad kang tulad ng ibon. 2Inihanda na ng mga masasamaang kanilang mga pana,upang panain nang palihimang mga matutuwid.3Ano ang magagawa ng mga matutuwidkung ang batas na pundasyon ng bayanay wala nang halaga?”4Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo;at nasa langit ang kanyang trono.Tinitingnan niya at sinisiyasatang lahat ng tao.5Sinisiyasat niya ang matutuwidat masasamâ.Ngunit siyaʼy napopoot sa mga malulupit.6Pauulanan niya ng lumalagablabna baga at asupre ang masasamâ;at ipapadala niya ang mainit na hanginna papaso sa kanila.7Dahil ang Panginoon ay matuwidat siyaʼy nalulugod sa mga gawang mabuti.Kaya ang mga namumuhay nang tamaay makakalapit sa kanya.Biblica, Inc.