Mga Salmo118

1Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti;ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
2Ang lahat ng mamamayan ng Israel ay magsabi,“Ang kanyang tapat na pag-ibigay walang hanggan.”3Ang lahat ng mga angkan ni Aaron ay magsabi,“Ang kanyang tapat na pag-ibigay walang hanggan.”4Ang lahat ng may takot sa Panginoon ay magsabi,“Ang kanyang tapat na pag-ibigay walang hanggan.”
5Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon,at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.6Kasama ko ang Panginoon,kaya hindi ako matatakot.Ano ang magagawa ng tao sa akin?7Kasama ko ang Panginoon,siya ang tumutulong sa akin.Makikita ko ang pagkatalong aking mga kaaway.8Mas mabuti pang manalig sa Panginoon,kaysa magtiwala sa tao.9Mas mabuting pang manalig sa Panginoon,kaysa magtiwala sa mga pinuno.10Napaligiran ako ng maraming bansang kaaway ko,ngunit sa kapangyarihan ng Panginoonsilaʼy tinalo ko.11Totoong pinaligiran nila ako,ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.12Sinalakay nila akona parang mga pukyutan,ngunit silaʼy napatigilna parang sinusunog na dayami.Dahil sa kapangyarihan ng Panginoon,silaʼy tinalo ko.13Puspusan nila akong sinalakay,at halos magtagumpay na sila,ngunit tinulungan ako ng Panginoon.14Ang Panginoon ang aking kalakasanat siya ang aking awit.Siya ang nagligtas sa akin.
15Naririnig ang masayang sigawanng mga mamamayan ng Diyossa kanilang mga toldadahil sa kanilang tagumpay.Ang Panginoon ang nagbigaysa kanila ng tagumpaysa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan!Ang kapangyarihan ng Panginoonang nagbibigay ng tagumpay!
17Hindi ako mamamatay,sa halip ay mabubuhay,at isasaysay ko ang mga ginawa ng Panginoon.18Kahit napakatindi ng parusa ng Panginoon sa akin,hindi niya niloob na akoʼy mamatay.
19Buksan ninyo ang pintuan ng Templo ng Panginoonpara sa akindahil papasok akoat siyaʼy aking pasasalamatan.20Ito ang pintuan ng Panginoonna ang mga matuwid langang makakapasok.
21Magpapasalamat ako sa inyo Panginoon,dahil sinagot nʼyoang aking dalangin.Kayo ang nagligtas sa akin.
22Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayoang siyang naging batong panulukan.23Ang Panginoon ang may gawa nitoat tunay na kahanga-hangasa ating paningin.24Ito ang araw na ginawa ng Panginoon,kaya tayoʼy magalak at magdiwang.25Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas.Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahatng aming ginagawa.
26Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.Pagpalain sana kayo ng Panginoonmula sa kanyang Templo.
27Ang Panginoon ay Diyosat napakabuti niya sa atin.Magdala tayo ng mga sanga ng punongkahoypara sa pagdiriwang ng pista,at pumarada paikot sa altar.
28Panginoon, kayo ang aking Diyos;nagpapasalamat ako at nagpupuri sa inyo.
29Pasalamatan ang Panginoon,dahil siyaʼy mabuti;ang kanyang tapat na pag-ibigay walang hanggan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3