Mga Salmo112

1Purihin ang Panginoon!Mapalad ang taong may takot sa Panginoonat malugod na sumusunod sa kanyang mga utos.
2Ang mga anak niya ay magiging matagumpay,dahil ang angkan ng mga namumuhaynang matuwid ay pagpapalain.3Yayaman ang kanyang sambahayan,at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.4Kahit sa kadiliman, taglay pa rinang liwanag ng taongnamumuhay nang matuwid,at puno ng kabutihan, kahabagan at katuwiran.5Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram,at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.
6Tiyak na magiging matatagang kanyang kalagayanat hindi siya makakalimutan magpakailanman.7Hindi siya matatakot sa masamang balita,dahil matatag siya at buong pusongnagtitiwala sa Panginoon.8Hindi siya matatakot o maguguluhan,dahil alam niyang sa bandang huliʼymakikita niya ang tagumpay laban sa kanyang mga kalaban.9Nagbibigay siya sa mga dukha,at ang kanyang kabutihanay maaalala magpakailanman.Ang kanyang kakayahanay lalo pang dadagdagan ng Diyosupang siyaʼy maparangalan.
10Makikita ito ng mga taong masamaat magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit,at matutunaw sila dahil sa kahihiyan.Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3