Mga Salmo111

1Purihin ang Panginoon!Buong puso kong pasasalamatan ang Panginoonsa pagtitipon ng mga matuwid.2Napakadakila ng mga gawa ng Panginoon;iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa kanyang mga gawa.3Ang lahat ng kanyang mga gawaay nagpapakita ng kanyang kapangyarihan at karangalan.At ang kanyang katuwiranay nagpapatuloy magpakailanman.4Ipinaaalala niya ang kanyang mga kahanga-hangang gawa.Siya ay mabuti at mahabagin.5Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya,at ang kanyang kasunduan sa kanilaay hindi niya kinakalimutan.6Ipinakita niya sa kanyang mga mamamayanang kapangyarihan ng kanyang mga gawa,sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang mga lupain ng ibang mga bansa.7Tapat at matuwid ang lahat niyang ginagawa,at mapagkakatiwalaan ang lahat niyang mga utos.8Ang kanyang mga utosay mananatili magpakailanman,at itoʼy ibinigay niya nang buongkatapatan at ayon sa katuwiran.9Tinubos niya ang kanyang mga mamamayan,at gumawa siya ng kasunduan na pangwalang hanggan.Banal siya at kahanga-hanga.
10Ang pagkatakot sa Panginoonang simula ng karunungan.Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utosay may mabuting pang-unawa.Purihin siya magpakailanman.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3