Mga Salmo113

1Purihin nʼyo ang Panginoon!Kayong mga lingkod ng Panginoon,purihin nʼyo ang pangalan ng Panginoon.2Purihin nʼyo ang Panginoon,ngayon at magpakailanman.3Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,ang pangalan ng Panginoonay dapat papurihan.
4Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa,ang kanyang kaluwalhatianay hindi mapapantayan.5Walang katulad ang Panginoon na ating Diyos,na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.6Yumuyuko siya upang tingnanang kalangitan at ang sanlibutan.
7Tinutulungan niya ang mga dukhaat nangangailangan sa kanilang kagipitan.8At silaʼy pinararangalang kasama ng mararangal na taomula sa kanyang mga mamamayan.9Pinaliligaya niya ang baog na babaesa tahanan nito,sa pamamagitan ng pagbibigaysa kanya ng mga anak.Purihin ninyo ang Panginoon!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3