Mga Salmo110

Awit na isinulat ni David.

1Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka rito sa aking kananhanggang sa gawin kong iyong apakanang iyong mga kalaban.”
2Palalawakin ng Panginoon ang iyong kaharian mula sa Zion,at paghaharian mo ang iyong mga kaaway.3Sa panahon ng iyong pakikidigma sa mga kaaway,kusang-loob na tutulong sa iyo ang iyong mga tao.Ang mga kabataang iyong nasasakupanay pupunta sa iyo doonsa banal na burol katuladng hamog tuwing umaga.
4Ang Panginoon ay sumumpaat hindi magbabago ang pasya niya,na ikaw ay pari magpakailanman,ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
5Ang Panginoon ay kasama mo.Parurusahan niya ang maraming harisa oras ng kanyang galit.6Parurusahan niya ang mga bansa,at marami ang kanyang papatayin.Lilipulin niya ang mga namumuno sa buong mundo.7Mahal na Hari, kayo ay iinom sa batisna nasa tabi ng daan,kaya muli kayong lalakas at magtatagumpay.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3