Mga Salmo109
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1O Diyos na aking pinapupurihan,dinggin nʼyo ang aking panawagan!2Dahil akoʼy pinagbibintanganng mga sinungaling at masasamang tao.Nagsasalita sila ng kasinungalinganlaban sa akin.3Sinisiraan nila akoat sinusugod nang walang dahilan.4Kahit nakikipagkaibigan ako sa kanilaay inaakusahan pa rin nila ako,ngunit ipinapanalangin ko pa rin sila.5Sa kabutihang ginagawa ko sa kanila,masama ang iginaganti nila.At sa aking pag-ibig, ibinabalik nilaʼy galit.6Sinasabi nila, “Maghanap tayo ng masamang taona kakalaban sa kanya,at magsasampa ng kaso sa hukuman laban sa kanya.7At kapag hinatulan na siya,lumabas sana na siya ang may kasalanan,at ituring din na kasalanan ang kanyang mga panalangin.8Mamatay na sana siya agadat ibigay na lang sa iba ang katungkulan niya.9At nang maulila ang kanyang mga anakat mabiyuda ang kanyang asawa.10Maging palaboy sana at mamalimosang kanyang mga anakat palayasin sila kahit na sa kanilang ginibang tahanan.11Kunin sana ng kanyang pinagkakautanganang kanyang mga ari-arian,at agawin ng mga dayuhanang kanyang pinaghirapan.12Wala sanang maawa sa kanyaat sa mga naulila niyang mga anakkapag siyaʼy namatay na.13Mamatay sana ang kanyang mga angkanupang silaʼy makalimutan na ng susunod na salinlahi.14Huwag sanang patawarinat kalimutan ng Panginoon ang mga kasalananng kanyang mga magulang at mga ninuno;at lubusan na sana silang makalimutan sa mundo.16“Dahil hindi niya naiisip na gumawa ng mabuti,sa halip ay inuusig at pinapatay niyaang mga dukha, ang mga nangangailanganat ang mga nawalan ng pag-asa.17Gustong-gusto niyang sumpain ang iba,kaya sa kanya na lang sana mangyariang kanyang sinabi.Ayaw niyang pagpalain ang ibakaya sana hindi rin siya pagpalain.18Walang tigil niyang isinusumpa ang iba;parang damit na lagi niyang suot.Bumalik sana ito sa kanya na parang tubigna nanunuot sa kanyang katawan,at parang langis na tumatagossa kanyang mga buto.19Sanaʼy hindi na ito humiwalay sa kanyana parang damit na bumabalot sa katawano sinturon na palaging nakabigkis.20Panginoon, sanaʼy maging ganyan ang inyong parusasa mga nagpaparatang at nagsasalitang masama laban sa akin.21“Ngunit Makapangyarihang Panginoon,tulungan nʼyo ako para kayo ay maparangalan.Iligtas nʼyo akodahil kayo ay mabuti at mapagmahal.22Dahil akoʼy dukha at nangangailangan,at ang damdamin koʼy nasasaktan.23Unti-unti nang nawawala ang aking buhay.Itoʼy parang anino na nawawala pagsapit ng gabi,at parang balang na lumilipadat nawawala kapag nagalaw ang dinadapuan.24Nanghihina ang mga tuhod kodahil sa pag-aayuno.Akoʼy payat na payat na.25Akoʼy kinukutya ng aking mga kaaway.Iiling-iling sila kapag akoʼy nakita.26Panginoon kong Diyos,iligtas nʼyo ako ayon sa pag-ibig nʼyo sa akin.27At malalaman ng aking mga kaawayna kayo Panginoon ang nagligtas sa akin.28Isinusumpa nila ako,ngunit pinagpapala nʼyo ako.Silaʼy mapapahiya kapag akoʼy sinalakay nila!Ngunit akong inyong lingkod ay magagalak.29Silang nagbibintang sa akinay lubusan sanang mapahiya;mabalot sana sila sa kahihiyantulad ng damit na tumatakip sa buong katawan.30“Pupurihin ko ang Panginoon,pupurihin ko siya sa harapan ng maraming tao.31Dahil tinutulungan niya ang mga dukhaupang iligtas sila sa mga nais magpahamak sa kanila.”Biblica, Inc.