Mga Salmo108

Awit na isinulat ni David.

1O Diyos, lubusan akong nagtitiwala sa inyo.Buong puso kitang aawitan ng mga papuri.2Gigising ako ng maagaat ihahanda ko ang alpaat mga instrumentong may mga kuwerdas.3Panginoon, pupurihin kitasa gitna ng mga bansa.Akoʼy aawit para sa inyo sa gitnang inyong mga mamamayan.4Dahil napakadakila at walang kapantayang pag-ibig nʼyo at katapatan.5O Diyos, ipakita nʼyo ang inyongkapangyarihan sa kalangitanat ang inyong kaluwalhatiansa buong mundo.6Iligtas nʼyo kami at tulungansa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.7O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong santuwaryo,“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekemat ang Lambak ng Sucot,upang ipamigay sa aking mga mamamayan.8Sa akin ang Gilead at Manases,ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala. 9Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din. Sisigaw ako ng tagumpaylaban sa mga Filisteo.”
10Sinong magdadala sa akin sa Edomat sa lungsod nito na napapalibutan ng pader?11Sino na ang makakatulong, O Diyos,ngayong itinakwil nʼyo na kami?Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal.12Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway,dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.13Sa tulong nʼyo, O Diyos,kamiʼy magtatagumpaysapagkat tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3