Mga Salmo107

1Magpasalamat kayo sa Panginoon,sapagkat siyaʼy mabuti;ang pag-ibig niyaʼy magpakailanman.2Sabihin ninyo ito, kayong mga iniligtas niyasa kamay ng mga kaaway.3Dahil tinipon niya kayo mula sa mga bansa;sa silangan, kanluran, timog at hilaga.
4May mga taong naglakbay sa ilang;hindi nila makita ang daan papunta sa lungsodna maaari nilang tirhan.5Silaʼy nagutom at nauhawat halos mamatay na.6Sa kanilang kagipitan,tumawag sila sa Panginoon,at silaʼy iniligtas niya sa kanilang pagdurusa.7At pinatnubayan niya silapapunta sa lungsodna kanilang matitirahan.8Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoondahil sa pag-ibig niyaat kahanga-hanga niyang gawa sa mga tao.9Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw,at pinakakain ang mga nagugutom.
10May mga taong ibinilanggo at kinadenahanna nakaupo sa napakadilim na piitan.11Nabilanggo sila dahil nagrebelde silasa mga sinabi ng Kataas-taasang Diyosat hindi sumunod sa kanyang mga payo.12Kaya pinahirapan niya silasa kanilang mabigat na trabaho.Nabuwal sila ngunit walang sinumang sumaklolo.13Sa kanilang kagipitan,tumawag sila sa Panginoon,at silaʼy iniligtas niya sa kanilang pagdurusa.14Pinutol niya ang kanilang mga kadenaat silaʼy kinuha niya sa napakadilim na piitan.15Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon,dahil sa pag-ibig niyaat kahanga-hangang gawa sa mga tao.16Dahil giniba niya ang mga pintuang tansoat binali ang mga rehas na bakal.
17May mga naging hangaldahil sa kanilang likong pamumuhay,at silaʼy naghirap dahil sa kanilang kasalanan.18Nawalan sila ng gana sa kahit anong pagkainat malapit nang mamatay.19Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon,at silaʼy iniligtas niya sa kanilang pagdurusa.20Sa kanyang salita silaʼy nagsigalingat iniligtas niya sila sa kamatayan.21Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon,dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.22Dapat silang mag-alay ng handog ng pasasalamat sa kanyaat ihayag ang kanyang mga ginawanang may masayang pag-aawitan.
23May mga taong sumakay sa mga barkoat nagbiyahe sa karagatan,dahil ito ang kanilang hanapbuhay.24Nakita nila ang kahanga-hangang mga gawang Panginoon sa karagatan.25Sa utos niya, ang hangin ay lumakasat lumaki ang mga alon.26Kaya pumapaitaas ang kanilang barkonang napakataas at pumapailalim.At silaʼy nangatakot sa nagbabantang kapahamakan.27Silaʼy susuray-suray na parang mga lasing,at hindi na alam kung ano ang gagawin.28Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon,at silaʼy iniligtas niya sa kanilang pagdurusa.29Pinatigil niya ang malakas na hanginat kumalma ang dagat.30At nang kumalma ang dagat, silaʼy nagalak,at silaʼy pinatnubayan ng Diyoshanggang sa makarating sila sa nais nilang daungan.31Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon,dahil sa pag-ibig niyaat kahanga-hangang gawa sa mga tao.32Dapat nilang parangalan ang Diyossa kanilang pagtitipon,at purihin siya sa pagtitiponng mga namamahala sa kanila.
33Nagagawa ng Panginoon ang ilogna maging ilang,at ang mga bukal na maging tuyong lupa.34Nagagawa rin ng Panginoonna walang maani sa matabang lupa,dahil sa kasamaan ng mga naninirahan doon.35Nagagawa rin niya ang ilangna maging tubigan,at sa mga tuyong lupainay magkaroon ng mga bukal.36Doon niya pinapatira ang mga taong nagugutom,at nagtatayo sila ng lungsodna kanilang tatahanan.37Nagsasabog sila ng binhi sa bukirinat nagtatanim ng ubas,kaya sagana sila pagdating ng anihan.38Silaʼy pinagpapala ng Diyos,at pinararami ang kanilang angkan.Kahit ang kanilang mga alagang hayopay nadadagdagan.
39Ngunit dahil sa pang-aapi,kahirapan at pagkabagabag,silaʼy nabawasan at napahiya.40Isinusumpa ng Diyos ang mga umaapi sa kanila,at silaʼy ililigaw at gagala sa ilang na walang daan.41Ngunit tinulungan niya ang mga dukhasa kanilang kahirapan,at pinarami ang kanilangsambahayan na parang kawan.
42Nakita ito ng mga matuwidat silaʼy nagalak,ngunit tumahimik ang masasamâ.
43Ang mga bagay na itoʼy dapat ingatansa puso ng mga taong marunong,at dapat din nilang isipinang dakilang pag-ibig ng Panginoon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3