Mga Salmo106

1Purihin nʼyo ang Panginoon!Magpasalamat kayo sa kanyadahil siyaʼy mabuti;ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.2Walang makapagsasabiat makapagpupuri nang lubossa makapangyarihang gawa ng Panginoon.3Mapalad ang taong gumagawa nang tamaat matuwid sa lahat ng panahon.
4Panginoon, alalahanin nʼyo akokapag tinulungan nʼyo na ang inyong mga mamamayan;iligtas nʼyo rin ako kapag iniligtas nʼyo na sila,5upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang,at makadama rin ng kanilang kagalakan,at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.6Kami ay nagkasala sa inyo katulad ng aming mga ninuno;masama ang aming ginawa.7Nang silaʼy nasa Ehipto, hindi nila pinansinang kahanga-hangang mga ginawa ninyo.Nilimot nila ang mga kabutihangipinakita nʼyo sa kanila,at silaʼy naghimagsik sa inyo doon sa Dagat na Pula.8Ngunit iniligtas nʼyo pa rin sila,para kayo ay maparangalanat maipakita ang inyong kapangyarihan.
9Inutusan ng Panginoon ang Dagat na Pula,at ito ay natuyo;pinangunahan niya ang kanyang mga mamamayanna makatawid na parang lumalakad lamang sa disyerto.10Iniligtas niya sila sa kanilang mga kaaway.11Tinabunan niya ng tubigang kanilang mga kaaway,at walang sinumang nakaligtas sa kanila.12Kaya naniwala sila sa kanyang mga pangako,at umawit sila ng mga papuri sa kanya.13Ngunit muli nilang kinalimutanang kanyang mga ginawa,at hindi na nila hinintayang kanyang mga payo.14Doon sa ilang, sinubok nila ang Diyosdahil sa labis nilang pananabik sa pagkain.15Kaya ibinigay niya sa kanila ang kanilang hinihiling,ngunit binigyan din sila ng karamdamanna nagpahina sa kanila.
16Sa kanilang kampo, nainggit silakay Moises at kay Aaronna itinalagang maglingkod sa Panginoon.17Kaya bumuka ang lupa sa kinaroroonan ni Datan at ni Abiramat ng kanilang sambahayanat silaʼy nilamon.18At may apoy pang naging kasunodna tumupok sa kanilang masasamang tagasunod.
19Doon sa Horeb ay gumawaang mga taga-Israel ng gintong bakaat sinamba nila ang diyos-diyosang ito.Itoʼy ginawa nilang diyos at kanilang sinamba.20Ang kanilang dakilang Diyos ay pinalitan nilang imahen ng toro na kumakain ng damo.21Kinalimutan nila ang Diyos na nagligtas sa kanilaat gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala doon sa Ehiptona lupain ng mga lahi ni Ham,at doon sa Dagat na Pula.23Nilipol na sana ng Diyos ang kanyangmga mamamayankung hindi namagitan si Moises na kanyang lingkod.Nakiusap si Moises na huwag sana niyang ituloyna iparanas ang kanyang galitupang hindi sila malipol.24Tinanggihan nila ang magandang lupaindahil hindi sila naniwala sa pangako ng Diyos sa kanila.25Nagsipagreklamo sila sa loob ng kanilang mga toldaat hindi sumunod sa Panginoon.26Kaya sumumpa siya na papatayin niya sila doon sa ilang,27at ikakalat ang kanilang mga angkansa ibang mga bansaat nang doon na sila mamatay.
28Inihandog nila ang kanilang mga sarilisa diyos-diyosang si Baal doon sa bundok ng Peor,at kumain sila ng mga handogna inialay sa mga patay.29Ginalit nila ang Panginoondahil sa kanilang masasamang gawa,kaya dumating sa kanila ang salot.30Ngunit namagitan si Finehas,kaya tumigil ang salot.31Ang ginawang iyon ni Finehas ay ibinilang na matuwid,at itoʼy hindi makakalimutan ng mga tao magpakailanman.
32Doon sa Bukal sa Meriba, ginalit ng mga taga-Israel ang Panginoon,kaya nalagay sa gipit si Moises dahil sa kanila;33Sapagkat ginalit nila si Moises,kaya nakapagsalita siya ng mga salitanghindi na niya napag-isipan.
34Hindi pinatay ng mga taga-Israelang mga taga-Canaantaliwas sa utos ng Panginoon.35Sa halip, nakisama pa sila sa mga itoat sumunod sa kanilang mga kaugalian.36Sinamba rin nila ang kanilang mga diyos-diyosan,at ito ang nagtulak sa kanila sa kapahamakan.37Inihandog nila ang kanilang mga anaksa mga demonyo.38Pinatay nila ang kanilang mga walang malay na anak;Inihandog nila ang mga itosa mga diyos-diyosan ng Canaan,sa ganooʼy dinungisan nila ang lupain.39Dinungisan din nila ang kanilang mga sarili.Dahil sa kanilang ginawang iyon,nagtaksil sila sa Diyos;katulad nilaʼy isang babaeng nakiapid.40Kaya nagalit ang Panginoonsa kanyang mga mamamayan,at silaʼy kanyang kinasuklaman.41Ipinaubaya niya sila sa mga bansang kanilang kaaway,at sinakop sila ng mga bansang iyon.42Inapi sila ng kanilang mga kaaway,at inalipin sila ng mga ito.43Maraming beses silang iniligtas ng Diyos,ngunit sinasadya nilang maghimagsik sa kanya,kaya ibinagsak sila dahil sa kanilang kasalanan.44Ngunit kapag silaʼy tumatawag sa Diyos,tinutulungan pa rin niya sila sa kanilang mga paghihirap.45Inaalaala ng Diyos ang kanyang kasunduan sa kanila,at dahil sa kanyang malaking pag-ibig sa kanila,napawi ang kanyang galit.46Niloob niya na silaʼy kaawaanng mga bumihag sa kanila.
47Panginoon naming Diyos iligtas nʼyo kami,at muling tipunin sa aming lupainmula sa mga bansa,upang makapagpasalamat kamiat makapagbigay-puri sa inyong kabanalan.
48Purihin ang Panginoon,ang Diyos ng Israel, magpakailanman.At ang lahat ay magsabing,“Amen!”Purihin ang Panginoon!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3