Mga Salmo105
1Pasalamatan nʼyo ang Panginoon.Sambahin nʼyo siya!Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.2Awitan nʼyo siya ng mga papuri;ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.3Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan.Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon.4Magtiwala kayo sa Panginoon,at sa kanyang kalakasan.Palagi kayong dumulog sa kanya.5Kayong mga lahi ni Abraham na lingkod ng Diyos,at mga lahi rin ni Jacob na kanyang hinirang,alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa,mga himala, at ang kanyang paghatol.7Siya ang Panginoon na ating Diyos,siya ang humahatol sa buong mundo.8Hindi siya makakalimot sa kanyang pangako kailanman;ang kanyang pangako para sa maraming salinlahi9ang pangako niya kay Abraham,gayon din kay Isaac.10Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob,at magpapatuloy ito magpakailanman.11Sinabi niya sa bawat isa sa kanila,“Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaanbilang pamana ko sa iyo at sa iyong mga angkan.”12Nooʼy iilan pa langang mga mamamayan ng Diyos,at mga dayuhan pa lang silasa lupain ng Canaan.13Nagpalipat-lipat sila sa mga bansaat mga kaharian.14Ngunit hindi pinahintulutan ng Diyosna apihin sila.Bilang proteksyon sa kanilaay sinaway niya ang mga hari.15Sinabi niya,“Huwag ninyong galawin ang hinirangkong mga lingkod,huwag ninyong saktanang aking mga propeta.”16Nagpadala ang Diyos ng taggutomsa lupain ng Canaan.Kinuha niyang lahatang kanilang pagkain.17Ngunit may pinauna na siya sa Ehiptona tutulong sa kanila.Si Jose na ipinagbili roonbilang alipin.18Kinadenahan ang kanyang mga paaat nilagyan ng bakal ang kanyang leeg,19hanggang sa nangyariang kanyang propesiya.Ang mga sinabi ng Panginoon na naganap sa kanyaay nagpatunay na siyaʼy matuwid.20Pinalaya siya ng hari ng Ehiptona namamahala sa maraming tao,21at ginawa siyang tagapamahalang kanyang palasyo at mga ari-arian.22Bilang tagapamahala,may kapangyarihan siyang turuanang mga pinuno sa nasasakupan ng haripati ang kanyang mga tagapayo.23Pagkatapos, pumunta si Jacobat ang kanyang pamilya sa Ehipto,na lupain ng mga lahi ni Ham,at doon sila nanirahan bilang dayuhan.24Pinarami ng Panginoonang kanyang mga mamamayan,at naging makapangyarihan kaysasa mga Ehipsiyo na kanilang kaaway.25Pinahintulutan ng Panginoon na galitinat lokohin ng mga Ehipsiyoang mga mamamayan na kanyang lingkod.26Sinugo niya si Moises na kanyang lingkodat si Aaron na kanyang hinirang.27Ipinakita nila sa lupain ng mga lahi ni Hamang mga himala na ginawa ng Diyos.28Pinadilim ng Diyos ang lupain ng Ehipto,ngunit sumuway pa rin sila sa kanyang mga utos.29Ginawa niyang dugo ang kanilang mga tubig,kaya namatay ang kanilang mga isda.30Napuno ng palaka ang kanilang lupain,at pinasok pati ang mga silid ng kanilang mga pinuno.31Nag-utos ang Diyos,at dumating sa kanilang lupainang napakaraming niknik at lamok.32Sa halip na ulan ang ibinigay sa kanilang lupain,yelo ang bumagsak na may kasamang mga kidlat.33Sinira niya ang tanim nilang mga ubas, mga puno ng igos,at iba pang mga punongkahoy.34Sa kanyang utos, dumating ang mga balang,at mga tipaklong na hindi mabilang.35At kinaing lahat ang kanilang mga tanim,pati ang mga bunga nito.36Pinatay ng Diyos ang lahat nilang panganay na lalaki.37Pagkatapos nito, pinalabas niya ang mga taga-Israelsa lupain ng Ehipto na wala ni isa mang napahamak,at may dala pa silang mga pilak at ginto.At sa kanilaʼy wala ni isa mang napahamak.38Natuwa ang mga Ehipsiyonang umalis ang mga taga-Israel,dahil takot sila sa kanila.39Naglagay ang Diyos ng ulap na lililim sa kanilaat kung gabi namaʼy apoyupang magbigay sa kanila ng liwanag.40Ang mga taoʼy humingi ng makakain,at pinadalhan sila ng Diyos ng mga pugo,at binusog niya sila ng pagkaingmula sa langit.41Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig.Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa.42Ang lahat ng ito ay ginawa ng Diyosdahil hindi niya kinalimutan ang kanyang pangakokay Abraham na kanyang lingkod.43Pinalabas niya sa Ehiptoang kanyang mga mamamayanna masayang-masaya at sumisigaw sa kagalakan.44Ibinigay niya sa kanilaang mga lupain ng ibang bansa;ipinamana sa kanila ang pinaghirapan ng iba45upang sundin nila ang kanyangmga tuntunin at kautusan.Purihin ang Panginoon!
Biblica, Inc.