Mga Salmo104
1Pupurihin ko ang Panginoon!Panginoon kong Diyos,kayo ay dakila sa lahat.Nadadamitan kayo ng kadakilaanat karangalan.2Nababalutan kayo ng liwanagna parang inyong damit.At inilaladlad nʼyo na parangtolda ang langit.3Itinayo nʼyo ang inyong tahanansa itaas pa ng kalawakan.Ginawa nʼyo ang mga alapaapna inyong sasakyan,at inililipad ng hangin habangkayoʼy nakasakay.4Ginagawa nʼyong tagapaghatid ng balita ang hangin,at ang kidlat na inyong utusan.5Inilagay nʼyo ang mundo sa matibay na pundasyon,kaya hindi ito matitinag magpakailanman.6Ang tubig ay ginawa nʼyong parang tela na ipinambalot sa mundo,at umapaw hanggang sa kabundukan.7Sa inyong pagsaway na parang kulog,nahawi ang tubig;sa inyong utos, ito ay tumalima;8at itoʼy umagos sa mga kabundukanat mga kapatagan,hanggang sa mga lugar na inyong inilaanna dapat nitong kalagyan.9Nilagyan nʼyo ito ng hangganan,upang hindi umapaw ang tubig,upang hindi na muling matabunan ang mundo.10Lumikha ka ng mga bukalsa mga lambak,at umagos ang tubig sa pagitanng mga bundok.11Kaya lahat ng mga hayop sa gubat,pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom.12At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon,at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.13Mula sa langit na inyong luklukan,ang mga bundok ay inyong pinapaulanan.At dahil sa inyong ginawa,tumatanggap ang mundo ng pagpapala.14Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop,at mga tanim para sa mga taoupang silaʼy may maani at makain,15may alak na maiinomna magpapasaya sa kanila,may langis na pampakinis ng mukha,at may tinapayna makapagpapalakas sa kanila.16Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy,Panginoon;ang puno ng sedro sa Lebanonna kayo rin ang nagtanim.17Doon nagpupugad ang mga ibon,at ang mga tagak ay tumatahansa mga puno ng abeto.18Ang mga matataas na kabundukanay tirahan ng mga kambing-gubat.Ang mga mababatong lugar namanay kanlungan ng mga badyer.19Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon;at ang araw namaʼy lumulubogsa oras na inyong itinakda.20Nilikha nʼyo ang kadilimanna tinawag na gabi;at kung gabiʼy gumagalaang maraming hayop sa kagubatan.21Umaatungal ang mga leonhabang naghahanap ng kanilang makakainna sa inyo nagmumula.22At pagsapit ng umaga,bumabalik sila sa kanilang mga lungga,at doon nagpapahinga.23Ang mga tao namanay lumalabas papunta sa kanilang gawain,at nagtatrabaho hanggang takip-silim.24Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon.Nilikha nʼyo ang lahat ayonsa inyong karunungan.Ang buong mundoay puno ng inyong nilikha.25Ang dagat ay napakalawak,at hindi mabilangang inyong mga nilalang dito,may malalaki at maliliit.26Ang mga barko ay parooʼt parito sa karagatan,at doon din lumalangoy-langoyang nilikha nʼyong Leviatan.27Lahat ng inyong nilikha ay umaasa sa inyong kanilang pagkain,sa oras na kanilang kailanganin.28Binibigyan nʼyo sila ng pagkainat kinakain nila ito,at silaʼy nabubusog.29Ngunit kung pababayaan nʼyo sila,matatakot sila;at kapag binawi nʼyo ang kanilang buhay,silaʼy mamamatay at babalik sa lupa.30Nalilikha silakapag binigyan mo ng hininga,at sa ganoong paraan, binibigyan nʼyong bagong nilalang ang mundo.31Panginoon, sana ay magpatuloyang inyong kaluwalhatian magpakailanman.Sanaʼy magalak kayo sa lahatng inyong nilikha.32Nayayanig ang mundokapag inyong tinitingnan.Kapag hinipo nʼyo ang bundok,itoʼy umuusok.33Aawit ako sa Panginoonhabang akoʼy nabubuhay.Aawit ako ng papuri sa aking Diyoshabang akoʼy may hininga.34Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay.Akoʼy magagalak sa Panginoon.35Lipulin sana ang masasama,at ang mga makasalanan sa mundoay tuluyan nang mawala.Pupurihin ko ang Panginoon.Purihin ang Panginoon!
Biblica, Inc.