Mga Salmo103

Awit na isinulat ni David.

1Pupurihin ko ang Panginoon!Buong buhay kong pupurihinang kanyang kabanalan.2Pupurihin ko ang Panginoon,at hindi kalilimutanang kanyang kabutihan.3Pinatatawad niyaang lahat kong kasalanan,at pinagagalingang lahat kong karamdaman.4Inililigtas niya akosa kapahamakan,at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.5Pinagkakalooban niya akong mga mabubuting bagayhabang akoʼy nabubuhay.Kaya akoʼy parang nasaaking kabataanat malakas tulad ng agila.
6Ang Panginoon ay matuwidsa paghatol;binibigyang-katarungan ang lahat ng inaapi.7Ipinahayag niya kay Moisesang kanyang pamamaraan,at inihayag sa mamamayan ng Israelang kanyang mga gawangmakapangyarihan.8Ang Panginoon ay mahabaginat matulungin,hindi madaling magalitat sagana sa pagmamahal.9Hindi siya palaging nanunumbat,at hindi nananatiling galít.10Hindi niya tayo pinarurusahanayon sa ating mga kasalanan.Hindi niya tayo ginagantihanbatay sa ating pagkukulang.11Dahil kung gaano man kalakiang agwat ng langit sa lupa,ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Diyossa mga may takot sa kanya.12Kung gaano kalayoang silangan sa kanluran,ganoon din niya inilalayo sa atinang ating mga kasalanan.13Kung paanong ang ama ay nahahabagsa kanyang mga anak;ganoon din ang pagkahabag ng Panginoonsa mga may takot sa kanya.14Sapagkat alam niya ang ating kahinaan,alam niyang tayoʼy mulasa alabok lamang.
15Ang buhay ng taoay tulad ng damo.Tulad ng bulaklak sa parang,itoʼy lumalago.16At kapag umiihip ang hangin,itoʼy nawawala at hindi na nakikita.
17Ngunit ang pag-ibig ng Panginoonay walang hanggansa sinumang may takot sa kanya;ang matuwid niyang gawaay wala ring katapusan.18Ang magkakamit nitoʼy ang tapatsa kasunduan,at tapat na sumusunodsa kanyang kautusan.
19Itinatag ng Panginoonang kanyang tronosa kalangitan,at siyaʼy naghahari sa lahat.20Purihin ninyo ang Panginoon,kayong mga anghel niya,na nakikinig at sumusunodsa kanyang mga salita.21Purihin ninyo ang Panginoon,kayong lahat na mga nilalang niyasa langit, na naglilingkod sa kanyaat sumusunodsa kanyang kalooban.22Purihin ninyo ang Panginoon,kayong lahat na mga nilalang niyasa lahat ng dakona kanyang pinaghaharian.Purihin ang Panginoon!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3