Mga Kawikaan9
Ang Karunungan at ang Kahangalan
1Ang karunungan ay katuladng isang taong nagtayo ng kanyang bahayna may pitong haligi.2Pagkatapos, nagdaos siyang isang malaking piging.Naghanda siya ng mga pagkainat inumin.3At inutusan niyaang kanyang mga katulong na babaena pumunta sa pinakamataas na lugar ng bayanupang manawagan:4“Kayong mga walang muwang,halikayo sa aking tahanan!”Sinabi niya sa mga wala sa katinuan,5“Pumarito kayo at kumainng aking inihanda,uminom kayo ng alakna aking tinimpla.6Iwanan na ninyo ang kawalang katinuanpara kayoʼy mabuhay nang matagalat may pang-unawa.”7Kung sasawayin mo ang taong nangungutya,iinsultuhin ka niya.Kung sasawayin mo ang taong masama,sasaktan ka niya.8Kaya huwag mong sasawayinang taong nangungutya,sapagkat magagalit siya sa iyo.Sawayin mo ang taong marunongat mamahalin ka niya.9Kapag tinuruan moang isang taong marunong,lalo siyang magiging marunong.At kapag tinuruan moang isang taong matuwid,lalo pang lalawak ang kanyang kaalaman.10Ang pagkatakot sa Panginoonang simula ng karunungan.At ang pagkilala sa Banal na Diyosay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.11Sa pamamagitan ng karunungan,hahaba ang iyong buhay.12Kung may karunungan ka,magdudulot ito sa iyo ng kabutihan,ngunit magdurusa kakung itoʼy iyong tatanggihan.13Ang kamangmangan ay katuladng isang babaeng maingay,hindi marunong at walang nalalaman.14Nakaupo siya sa pintuanng kanyang bahayo sa upuan sa mataasna lugar sa lungsod,15at tinatawag ang mga dumadaanna papunta sa kanilang trabaho.16Sabi niya, “Halikayo rito,kayong mga wala sa katinuan.”At sinabi pa niya sa walang pang-unawa,17“Mas masarap ang tubig na ninakawat mas masarap ang pagkainna kinakain ng lihim.”18Ngunit hindi alam ng mga taongpumupunta sa kanyana sila ay mamamatay.Ang mga nakapunta na sa kanyaay naroon na sa libingan.Biblica, Inc.