Mga Kawikaan10
1Narito ang mga kawikaan ni Solomon:Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang,ngunit ang anak na hangalay nagbibigay ng kalungkutan.2Ang kayamanang nakuha sa masamang paraanay hindi makapagbibigay ng anumang kabutihan,ngunit ang matuwid na pamumuhayay makapagliligtas sa iyo sa kamatayan.3Hindi hinahayaan ng Panginoonna magutom ang mga matuwid,ngunit ipinagkakait naman niyaang hangad ng mga masama.4Nagpapahirap ang katamaran,ngunit ang kasipagan ay nagpapayaman.5Ang nag-iimbak ng pagkain kapag anihanay anak na maalam,ngunit ang anak na laging tulogkapag anihan ay kahiya-hiya.6Ang taong matuwid ay pinagpapala;ang bibig ng masamang tao ay nakakapinsala.7Ang alaala ng taong matuwiday isang pagpapala magpakailanmanngunit ang masamang taoay makakalimutan.8Sumusunod sa mga utosang taong marunong,ngunit ang nagsasalita ng kamangmanganay mawawasak.9May kapayapaan ang taong namumuhaynang matuwid,ngunit ang masama ang pamumuhayay malalantad.10Ang taong mandaraya ay gulo ang nililikhaat ang taong nagsasalitang kamangmangan ay mapapahamak.11Ang salita ng taong matuwiday makakatulong sa buhay ng iba,ngunit ang mga salita ng taong masamaay makapipinsala.12Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan,ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawadng lahat ng kasalanan.13Nagsasalita ng karununganang taong may pang-unawa,ngunit ang walang pang-unawaay nagsasalita tungo sa kanyang kapahamakan.14Nagdadagdag ng kaalamanang taong may karunungan,ngunit ang mga hangal ay nagsasalitatungo sa kanilang kapahamakan.15Panatag ang mayamandahil sa kanyang kayamanan,ngunit napapahamak ang mahirapdahil sa kanyang kahirapan.16Ang gantimpala ng matuwid ay buhay,ngunit ang gantimpala ng masamaay kaparusahan.17Ang taong nakikinig sa pagtutuwid sa kanyang pag-uugaliay mapapabuti at hahaba ang buhay,ngunit ang taong hindi nakikinigay maliligaw ng landas.18Ang nagkikimkim ng galit ay sinungaling,at ang naninira sa kanyangkapwa ay hangal.19Ang taong masalita ay madaling magkasala.Ang taong maalamay pinipigilan ang kanyang dila.20Ang salita ng matuwiday mahalaga tulad ng pilak,ngunit ang isip ng masamaay walang kabuluhan.21Sa salita ng matuwid maramiang nakikinabang,ngunit ang mga hangal ay mamamataydahil walang pang-unawa.22Ang pagpapala ng Panginoonay nagpapayamanat hindi niya ito dinadagdaganng anumang kalungkutan.23Ang kaligayahan ng hangalay ang paggawa ng kasamaan,ngunit ang kaligayahan nang nakakaunawaay ang mamuhay nang may karunungan.24Ang kinatatakutan ng taong masamaay mangyayari sa kanya,ang hinahangad naman ng taong matuwiday kanyang makakamit.25Kapag dumating ang mga bagyo sa buhay,tatangayin ang mga masasama,subalit mananatiling matatagang mga matutuwid magpakailanman.26Tulad ng sukang nakakangiloat usok na nakakaluha,ganyan ang tamad sa nagpadala sa kanya.27Ang may paggalang sa Panginoonay hahaba ang buhay,ngunit ang taong masamaay iikli ang buhay.28Ang pag-asa ng matuwiday magbibigay ng kaligayahan,ngunit ang pag-asa ng masamaay walang katuparan.29Ang pagsunod sa pamamaraan ng Panginoonay kanlungan ng matuwid,ngunit ang mga suwail ditoay mapapahamak.30Ang matuwid ay hindi gagambalainsa kanyang lupain,ngunit ang masamaay palalayasin.31Ang bibig ng matuwiday puno ng karunungan,ngunit ang dila ng sinungaling ay puputulin.32Ang bibig ng matuwiday nagsasalita ng kaaya-aya,ngunit kabuktutan ang sinasabing taong masama.
Biblica, Inc.