Mga Kawikaan8

Ang Panawagan ng Karunungan

1Ang karunungan at pang-unawaay katulad ng taong nangangaral.2Tumatayo siya sa matataas na lugarsa tabi ng daan, sa mga kanto,3sa mga pintuan ng lungsodat mga daanan.Nangangaral siya nang malakas,4“Kayong mga tao sa buong mundo,pakinggan ninyo ang panawagan ko.5Kayong mga walang alam,magkaroon kayo ng karunungan.Kayong mga mangmangmagkaroon kayo ng pang-unawa.6Makinig kayo sa sasabihin ko,sasambitin ko ang mga bagayna wasto at mahusay.7Ang sinasabi koay pawang katotohanan lamang;sa nagsasalita ng masamaako ay nasusuklam.8Pawang matuwid ang sinasabi ko;hindi ako nagsasalita ng kasinungalingano pandaraya.9Ang lahat ng sinasabi koay malinaw at pawang tamasa taong may pang-unawa.10Pahalagahan ninyo ang karununganat ang pagtutuwid kosa inyong ugalikaysa sa pilak at ginto.11Sapagkat higit na mahalagaang karunungan kaysasa mamahaling hiyasat hindi ito matutumbasanng mga bagay na hinahangad mo.
12“Ako ang karununganat alam ko kung paano unawainang tama at mali,at alam ko rin kung paanomagpasya nang tama.13Ang may takot sa Panginoonay lumalayo sa kasamaan.Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan,pagsisinungaling at masamang pag-uugali.14Magaling akong magpayoat may sapat na kaalaman.May pang-unawa at kapangyarihan.15Sa pamamagitan konakakapamuno ang mga hariat ang mga pinunoʼy nakagagawang mga tamang batas.16Sa pamamagitan komakakapamuno ang mga tagapamahalaat mga opisyal;ang lahat na namumuno nang matuwid. 17Minamahal ko ang mga nagmamahal sa akin;makikita ako ng mga naghahanap sa akin.18Makapagbibigay ako ng kayamanan, karangalan,kaunlaran at tagumpay na magtatagal.19Ang maibibigay ko ay higit pasa purong ginto at pilak.20Sinusunod ko ang tama at matuwid.21Bibigyan ko ng kayamananang nagmamahal sa akin;pupunuin ko ang lalagyan nilang kayamanan.
22“Bilang una sa kanyang mga gawa,nilikha ako ng Panginoonbago pa man ang lahat.23Akoʼy nilikha niyanoong unang panahon,sa pasimula, nang ang mundo ay nabuo.24Noong wala pang karagatan,ako ay isinilangnoong wala pang mga bukalna nag-uumapaw sa tubig,25bago pa maitatag ang mga kabundukanbago ang mga kaburulan,ako ay isinilang,26bago pa ginawa ng Diyos ang mundomaging ang kabukiran,o ang alabok sa lupa.27Naroon na ako nang likhain niya ang langit,maging nang likhain niyaang tagpuan ng langit at ng lupa.28Naroon din ako nang likhain niyaang mga ulap,nang palabasin niya ang tubigsa mga bukal mula sa kailaliman,29nang ilagay niya ang hanggananng mga dagatupang hindi ito umapaw,at nang ilagay niyaang mga pundasyon ng mundo.30Akoʼy nasa tabi niya bilang arkitekto.Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw,at palagi rin akong masayasa piling niya.31Natutuwa ako sa mundong nilikha niyaat sa mga taong inilagay niya dito.
32“Kaya ngayon mga anak, pakinggan ninyo ako.Mapalad ang mga sumusunodsa pamamaraan ko.33Pakinggan ninyo ang mga pagtutuwid kosa inyong pag-uugaliupang maging marunong kayo,at huwag ninyo itong kalilimutan.34Mapalad ang taong palaging sa akinnakatuon ang isipat naghihintay upang makinig sa akin.35Sapagkat ang taong makakasumpong sa akinay magkakaroon ng buhay,at pagpapalain siya ng Panginoon.36Ngunit ang taonghindi makakasumpong sa akinay ipinapahamak ang kanyang sarili.Ang mga galit sa akinay naghahanap ng kamatayan.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3