Mga Kawikaan7
Babala Laban sa Babaeng Nangangalunya
1Anak, sundin mo ang mga sinasabi ko sa iyo.Itanim mo ito sa iyong isipan at2sundin ang mga iniuutos ko,upang humaba ang buhay mo.Ingatan mong mabutiang mga itinuturo kokatulad ng pag-iingat mosa iyong mga mata.3Itanim mo sa iyong isipanupang hindi mo makalimutan.4Ituring mong kapatid na babaeang karununganat ang pang-unawa gaya ng isangmalapít na kaibigan.5Sapagkat ilalayo ka nilasa masamang babaengnakakaakit ang pananalita.6Sa bintana ng aking bahaydumungaw ako sa kurtina.7Nakita ko ang mga kabataang lalakina wala pang muwang sa buhay.Isa sa kanilaay salat sa karunungan.8Lumalakad siya patungo sa kantokung saan naroroon ang bahayng isang masamang babae.9Takip-silim na noonat malapit nang dumilim.10Sinalubong siyang isang babaeng ang suotay katulad ng suotng isang babaeng bayaran.Nakapagplano na siyang gagawin sa lalaking iyon.11Maingay siya at hindi mahiyain.Hindi siya nananatili sa bahay.12Madalas siyang makitasa mga lansangan, sa mga liwasan,at sa mga kantong tambayan.13Paglapit ng lalakiay agad niya itong hinalikanat walang hiya-hiyang sinabi:14“Katatapos ko lang tuparinang panata ko sa Diyosat may natira pang pagkaindoon sa bahaymula sa aking handog pangkapayapaan.15Kaya akoʼy lumabasupang sa iyoʼy makipagkita.Hinanap kita at sa wakasay natagpuan din kita.16Sinapinan ko na ang aking higaanng makulay na telang linomula pa sa Ehipto.17Nilagyan ko iyon ng pabangongmira, aloe, at sinamon.18Kaya halika na, doon tayomagpakaligaya hanggang umaga,19dahil wala rito ang aking asawa.Naglakbay siya sa malayo.20Marami siyang dalang peraat dalawang linggo pabago siya bumalik.”21Kaya naakit niya ang lalakisa pamamagitan ng kanyang matatamisat nakakaakit na pananalita.22Sumunod agad ang lalakina tulad ng bakang hinihila papunta sa katayan,o tulad ng isang usa na patungo sa bitag,23at dooʼy papanain siyangtatagos sa kanyang puso.Para din siyang isang ibong nagmamadalipapunta sa bitag ng kamatayan,ngunit hindi niya ito nalalaman.24Kaya mga anak, pakinggan ninyong mabutiang aking mga sinasabi.25Huwag kayong paaakit sa ganyang uri ng babaeat huwag ninyong hayaan na kayoʼy kanyang iligaw.26Marami na ang mga lalaking napahamakdahil sa kanya.27Kapag pumunta kayo sa bahay niya,para na rin kayong pumuntasa mundo ng mga patay.Biblica, Inc.