Mga Kawikaan6

Babala Laban sa Kahangalan

1Anak, kung nangako kang panagutanang pagkakautang ng iba,kung nakipagkasundo kasa isang hindi mo kilala,2kung ikaw ay naipit sa iyong mga sinabiat nabitag ng iyong mga salita,3ito ang gawin mo upang ikaw ay lumayadahil tuluyan ka nang nahulogsa kamay ng iyong kapwa:Puntahan mo siya at ikaway magpakumbaba,pakiusapan mo siyahanggang sa palayain ka.4Huwag mo nang ipagpaliban,gawin mo na ngayon.Huwag mong hayaangikaʼy makatulog.5Palayain mo ang iyong sarilitulad ng isang ibon o usana nakawala sa bitagng isang mangangaso.
6Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralanang pamumuhay ng mga langgamupang matuto kayo sa kanila.7Kahit na walang namumunoat nag-uutos sa kanila,8nag-iipon sila ng pagkain kapag tag-arawat panahon ng anihan,upang may makain silapagdating ng tag-ulan.9Kayong mga tamad,hanggang kailan kayo mahihiga dʼyan?Kailan kayo babangonmula sa inyong pagtulog?10Kaunting tulog, kaunting pahingaat ang paminsan-minsang paghalukipkipng mga kamay,11at hindi ninyo mamamalayangdarating ang kahirapanna para kayong ninakawan ng tulisan.
12Ang taong walang kuwentaat masama ay puro kasinungalinganang sinasabi.13Kumikindat at sumisenyas siyagamit ang kanyang mga kamay at paa.14Ang puso niya ay puno ng pandaraya,laging nagbabalak na gumawa ng masamaat sa mga gulo siya ang nagpapasimula.15Kaya biglang darating sa kanyaang kapahamakanat hindi na siya matutulungan.
16May anim na bagay na kinamumuhian ang Panginoon, pito na kinasusuklaman niya:17mapagmataas na mga mata, sinungaling na dila, mga kamay na pumapatay sa mga walang sala,18pusong nagbabalak ng masasamang pakana, mga paang sumusugod sa paggawa ng masama,19bulaang saksi na puno ng kasinungalingan, at taong nag-uudyok ng gulo sa angkan.

Babala Laban sa Pakikiapid

20Anak, sundin mo ang itinuturoat iniuutos ng iyong mga magulang.21Itanim mo ito sa iyong isipanupang hindi mo makalimutan.22Ito ang papatnubay, mag-iingatat magpapaalala sa iyong pamumuhay,kahit ano pa ang iyong ginagawa.23Sapagkat ang mga turoat utos ng iyong mga magulangay katulad ng isang ilawna tatanglaw sa iyo.At ang kanilang pagsaway sa iyoupang ituwid ang ugali moay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.24Ilalayo ka rin nitosa masamang babaeng nakakaakitang pananalita.
25Huwag kang magnanasasa kanyang kagandahan.Huwag kang patutuksosa kanyang pang-aakit.26Ang pakikipagsiping sa babaeng bayaranay puwedeng bayaran sa halaga ng tinapay,ngunit ang pakikipagsiping sa asawa ng ibaay pagbabayaran mo ng iyong buhay.27Kung maglalaro ka ng apoysa iyong kandungantiyak na masusunog ang damit mo.28At kung tatapak ka sa baga,mapapaso ang mga paa mo.29Kaya kung mayroong sumipingsa asawa ng iba,ang sinumang humawak sa kanyaay tiyak ang parusa.
30Hindi hinahamak ng tao ang magnanakawkung ginagawa niya iyonupang maibsan ang kanyang gutom.31Subalit, sa sandaling siyaʼy mahuli,pitong ulit siyang magbabayad,kahit na maubos pa ang lahatng kayamanan niya.32Ang taong nangangalunya ay salat sa karunungan.Ang kanyang sariliʼy dinadala sa kapahamakan.33Masasaktan at mapapahiya siyaat hindi maaalis habambuhayang kahihiyan niya.34Sapagkat ang asawang seloso ay labis kung magalitat maghihiganti siya nang walang awa.35Kahit magkano pa ang ibayad,hindi niya ito tatanggapin.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3