Mga Kawikaan5
Babala Laban sa Pakikiapid
1Anak, pakinggan mong mabutiang mga sasabihin kong may karunungan,2upang malaman mo ang pagpapasya ng tamaat matuto ka ring magsalitanang may karunungan.3Ang salita ng masamang babaeay kasintamis ng pulotat banayad tulad ng langis.4Ngunit pagkatapos ay pait at sakitang iyong makakamitna para bang sugat na mulasa espadang magkabila ang talim.5Kung susunod ka sa kanya,dadalhin ka niya sa kapahamakan,sapagkat ang nilalakaran niyaay patungo sa kamatayan.6Hindi niya pinapansinang daan patungo sa buhay.Ang dinadaanan niyaʼy liku-likoat hindi niya ito nalalaman.7Kaya mga anak,pakinggan ninyo ako at sundin.8Lumayo kayo sa babaeng masama,at huwag kayong lumapit sa pintuanng kanyang bahay.9Dahil baka masira ang inyong dangalat mapunta sa iba,at mamatay kayo sa kamayng mga taong walang awa.10At ang lahat ng kayamanan ninyoat ang inyong mga pinagpaguranay mapupunta sa iba,sa mga taong hindi ninyo kilala.11Saka kayo mananangiskapag malapit na kayong mamatay,kapag butoʼt balat na lamangat wala nang lakas.12Saka ninyo sasabihin,“Sayang hindi ko kasi pinansinang mga pagtutuwid sa akin;nagmatigas ako at sinunod ang gusto ko.13Hindi ako nakinig sa aking mga guro,at hindi nagbigay-pansinsa aking mga tagapayo.14Kaya ngayon, narito akosa gitna ng kapahamakanat kahihiyan.”15Ang asawa mo lamangang dapat mong sipingan.Ika nga, inumin mo lamangang tubig sa sarili mong balon.16Huwag kang sisiping sakung kani-kanino diyan.Kung baga, huwag mong ikalatang iyong tubig sa lansangan.17Ang tubig sa iyong balonay para lamang sa iyong asawaat hindi ibinabahagi sa iba.18Pagpalain sana ang iyong asawa.Maging maligaya ka sa kanya,na napangasawa mo noong kayoʼymga bata pa.19Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa.Lagi ka sanang masisiyahan sa kanyang dibdib,at aakitin parati ng kanyang pag-ibig.20Anak, bakit ka paaakit sa babaeng mahalay?Bakit mo yayakapin ang dibdib niya?21Sapagkat nakikita ng Panginoonang lahat ng iyong ginagawa;saan ka man naroroon,tinitingnan ka niya.22Ang masasamang taoay bihag ng kanilang kasamaan;para itong bitag na huhuli sa kanila.23Mamamatay sila dahil wala silang disiplina;silaʼy iniligaw ng kahangalan nila.Biblica, Inc.