Mga Kawikaan4

Magkaroon ng Karunungan sa Anumang Paraan

1Mga anak, pakinggan ninyong mabutiang mga pagtutuwid ng inyong amasa inyong pag-uugali,upang lumawakang inyong pang-unawa.2Mabuti ang itinuturo kong ito,kaya huwag ninyong ipagwalang bahala.3Noong bata pa akoat nasa piling pa ng aking mga magulang,mahal na mahal ako ng aking inabilang nag-iisang anak.4Tinuruan ako ni ama.Sinabi niya sa akin,“Anak, ingatan mo sa iyong pusoang mga itinuturo ko.Sundin mo ang mga utos koat mabubuhay ka nang matagal.5Pagsikapan mong magkaroonng karunungan at pang-unawa.Huwag mong kalilimutanang mga sinasabi koat huwag kang hihiwalay dito.6Huwag mong tanggihan ang karunungan,sa halip pahalagahan mo ito,dahil iingatan ka nito.7Pinakamahalaga sa lahatang karunungan at pang-unawa.Sikapin mong magkaroon nitokahit na maubos pa ang lahatng kayamanan mo.8Tanggapin moʼt pahalagahanang karunungan,dahil magbibigay itosa iyo ng karangalan.9Magiging parang koronang bulaklak itona magbibigay sa iyo ng kagandahan.”
10Anak, pakinggan mo at tanggapinang mga sinasabi ko sa iyoupang humaba ang iyong buhay.11Tinuruan na kita ng karunungan,kung paano mamuhay sa katuwiran.12Kapag ikaw ay naglalakad,walang haharang sa iyong mga hakbang.Kapag ikaw ay tumatakbo,hindi ka matatalisod.13Huwag mong kalilimutanang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali;ingatan mo ito sa puso mosapagkat mabubuhay kasa pamamagitan nito.14Huwag mong susundanang daan ng mga masasamâ.Huwag mong gagayahinang ginagawa nila.15Iwasan mo itoat huwag itong dadaan.Talikuran mo itoat magpatuloy sa matuwid na daan.16Sapagkat ang taong masamaay hindi makatulogkapag hindi nakakagawa ng masamao walang naipapahamak.17Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaanat ang inumin nila ay paggawang karahasan.
18Ang pamumuhay ng taong matuwiday parang sikat ng arawna lalong nagliliwanaghabang tumatagal.19Ngunit ang pamumuhay ng taong masamaay parang kadiliman;hindi niya alam kung ano ang dahilanng kanyang pagbagsak.
20Anak, pakinggan mong mabutiang itinuturo ko sa iyo.21Huwag mo itong kalilimutankundi ingatan sa puso mo.22Sapagkat magbibigay itong malusog na katawanat buhay sa sinumangmakakasumpong nito.23Higit sa lahat, ingatan moang iyong isipan,sapagkat kung ano ang iyong iniisipiyon din ang magiging buhay mo.24Huwag kang magsalitang kasinungalingan at walang kabuluhan.25Ituon mo ang iyong paninginsa mga bagay na mabuti.26Pag-isipan mong mabutiang iyong mga gagawinupang magtagumpay ka.27Mamuhay ka sa katuwiranat layuan mo ang kasamaan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3