Mga Kawikaan3

Ang Kabutihang Dulot ng Karunungan

1Anak, huwag mong kalilimutanang mga itinuturo ko sa iyo.Ingatan mo sa iyong pusoang mga iniuutos ko,2sapagkat ito ang magpapahabaat magpapaunlad ng iyong buhay.3Manatili kang mapagmahal at matapat;alalahanin mo itong lagiat itatak sa iyong isipan.4Kapag ginawa mo ito,malulugod ang Diyospati na ang mga tao.
5Magtiwala ka nang buong pusosa Panginoonat huwag kang manaligsa iyong sariling karunungan.6Alalahanin mo ang Panginoonsa lahat ng iyong ginagawaat ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
7Huwag mong isipingnapakarunong mo na.Matakot ka sa Panginoon,at huwag gumawa ng masama.8Para iyon sa ikabubutiat ikalalakas ng iyong katawan.
9Parangalan mo ang Panginoonsa pamamagitanng paghahandog sa kanyang mga unang bunga ng iyong ani.10Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng aniang iyong mga bodegaat aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan.
11Anak, huwag mong mamasamainkapag itinutuwid ka ng Panginoon.Huwag mong kasuklamanang kanyang pagsaway.12Sapagkat itinutuwid ng Panginoonang ugali ng kanyang mga minamahal,katulad ng ginagawa ng isang amasa kanyang anak na kinalulugdan.
13Pinagpala ang mga taongnatagpuan ang karunungan,gayundin ang mga taongnakamtan ang kaunawaan.14Sapagkat mas mainam pa ito kaysa pilak,at mas higit pa ang bunga nito kaysa ginto,15at sa ano pa mang mga mamahaling bato.Walang anumang bagayang maaaring ipantay dito.16Magpapahaba ito ng iyong buhay,magpapaunlad ng iyong kabuhayanat magbibigay sa iyo ng karangalan.17Ang karununganay magpapabuti ng iyong kalagayan.18Mapalad ang taong may karunungan,dahil magbibigay ito ng mabutiat mahabang buhay.
19Sa pamamagitan ng karunungan,nilikha ng Panginoon ang lupaat ang langit,at bumukas ang mga bukalat mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan.
21Anak, ingatan mo ang iyong karununganat kaalaman sa pagpapasya ng tama.Huwag mong hayaangmawala ito sa iyo.22Sapagkat ito ang magbibigay sa iyong mahaba at magandang buhay.23Mabubuhay kang ligtassa anumang kapahamakan.24Makakatulog ka nang mahimbingat walang kinakatakutan.25Hindi ka dapat matakot kung biglang dumatingang mga pangyayaring nakakatakoto kung lilipulin na ang masasamâ,26dahil makakaasa kang babantayan kang Panginoonat ilalayo sa kapahamakan.
27Huwag mong pagkaitan ng tulongang mga nangangailangan nitokung may kakayanankang tumulong sa kanila.28Huwag mo nang ipagpabukas pa,kung kaya mo naman silang tulungan ngayon.29Huwag mong pagplanuhan ng masamaang kapitbahay mong nagtitiwala sa iyo.30Huwag kang makipagtalo sa kapwa monang walang sapat na dahilan,lalo na kung wala naman siyangginawang masama sa iyo.
31Huwag mong kainggitan ang taong malupito gayahin ang kanyang mga ginagawa.
32Sapagkat nasusuklam ang Panginoonsa mga taong baluktot ang pag-iisip,ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhaynang matuwid.33Isinusumpa ng Panginoonang sambahayan ng masasamâ,ngunit pinagpapala niyaang sambahayan ng mga matuwid.34Hinahamak niya ang mga nanghahamak ng kapwa,ngunit binibiyayaan niyaang mga mapagpakumbaba.35Ang mga marunong ay pararangalan,ngunit ang mga hangalay ilalagay sa kahihiyan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3