Mga Kawikaan31

1Ito ang mga kawikaan ni Haring Lemuel na taga-Masa. Ito ang mga itinuro sa kanya ng kanyang ina:2Makinig ka, aking anak.Makinig ka, anak ng aking sinapupunan.Makinig ka, anak, ang sagotsa aking mga panalangin.3Huwag mong sasayanginang iyong lakas at pera sa mga babae,sapagkat sila ang dahilankung bakit napapahamak ang mga hari.4Lemuel, hindi dapat uminomng alak ang isang hari.Ang mga namumunoay hindi dapat maghangadng inumin na nakalalasing.5Sapagkat kapag nalasing na sila,kadalasan ay nakakalimutan na nilaang kanilang tungkulin,at hindi nila nabibigyan ng katarunganang mga nasa kagipitan.6Hayaan mong mag-inomang mga taong nawalan na ng pag-asa at naghihirap ang kalooban,7upang makalimutan nilaang kanilang mga kasawian at kahirapan.8Ipagtanggol mo ang karapatanng mga taong kahabag-habag,na hindi maipagtanggolang kanilang mga sarili.9Humatol ka nang walang kinikilingan,at ipagtanggol ang karapatanng mga mahihirap at nangangailangan.10Mahirap hanapin ang mabuting asawa.Higit pa sa mamahaling alahasang kanyang halaga.11Lubos ang tiwala sa kanyang kanyang asawa,at wala na itong mahihiling pa sa kanya.12Kabutihan at hindi kasamaanang ginagawa niyasa kanyang asawa habang siyaay nabubuhay.13Masigasig siyang humahabing mga telang lino at lana.14Tulad siya ng barkong mga mangangalakal;nagdadala siya ng mga pagkainkahit galing pa siya sa malayong lugar.15Maaga siyang gumigisingupang ipaghanda ng pagkainang kanyang pamilya,at para sabihan ang mga babaeng katulongng mga dapat nilang gawin.16Marunong siyang pumili ng lupana kanyang bibilhin.At mula sa kanyang sariling ipon,pinapataniman niya ito ng ubas.17Malakas, masipagat mabilis siyang gumawa.18Magaling siyang magnegosyo,at matiyagang nagtatrabahohanggang gabi.19Sa kanyang kamayay hawak niya ang sinulid,at nakakapit sa panghabiang kanyang mga daliri.20Matulungin siya sa mahihirapat mga nangangailangan.21Hindi siya nag-aalala,dumating man ang taglamig,dahil may makakapal siyang telapara sa kanyang pamilya.22Siya na rin ang gumagawang mga kobre-kama,at ang kanyang mga damitay gawa sa pinong linoat lanang kulay ube.23Kilala ang asawa niya bilang isasa mga tagapamahala ng bayan.24Gumagawa rin siya ng damit at sinturon,at ipinagbibili sa mga mangangalakal.25Malakas at iginagalang siya,at hindi siya nangangambapara sa kinabukasan.26Nagsasalita siya nang may karunungan,at nagtuturo nang may kabutihan.27Masipag siya,at inaalagaang mabutiang kanyang pamilya.28Pinupuri siya ng kanyang mga anak,at pinupuri rin ng kanyang kabiyakna nagsasabi,29“Maraming mga babae ang mahuhusay,subalit sa iyo ay walang makapapantay.”30Ang pagiging kaakit-akitay makapandaraya,at ang kagandahanay kumukupas.Ngunit ang babaeng may takot sa Panginoonay dapat purihin.31Dapat siyang gantimpalaansa kanyang ginawang kabutihanat parangalan sa karamihan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3