Mga Kawikaan30
1Ito ang mga kawikaan at pahayag ni Agur na anak ni Jakeh.
Sinabi niya:
“Panginoon, ako po ay pagod.Pagod na pagod na po akoat hinang-hina na. 2Ako ang pinakamangmangsa lahat ng tao.Ang isip koʼyparang hindi sa tao.3Hindi ko natutunan ang karunungan,at hindi ko nakamtan ang katalinuhanng Nag-iisang Banal.4May tao bang nakaakyat na sa langitat bumaba sa mundo?May tao bang nakadakot ng hanginsa kanyang mga kamayo kaya ay nakabalot ng tubigsa kanyang damit?May tao bang nakapaglagayng hangganan sa mundo?Kung may kilala ka,sabihin mo sa akinang kanyang pangalanat ang pangalan ng kanyang anak.5Ang bawat salita ng Diyosay tunay na mapagkakatiwalaan.Siya ay tulad ng pananggasa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.6Huwag mong dadagdaganang kanyang mga salita,dahil kung gagawin mo ito,sasawayin ka niyaat ipapakita na ikaw ay sinungaling.”7Panginoon, may dalawang bagayakong hihilingin sa inyo.Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akinbago ako mamatay.8Una, ilayo ninyo akosa kasinungalingan at kabulaanan.Pangalawa, huwag ninyo akonggawing mayaman o mahirap,sa halip bigyan lamang ninyo akong pagkain na aking kakailanganin.9Dahil kung yumaman ako,baka sabihin kong hindi ko na kailanganang Panginoon;at kung ako naman ay maghirap,baka matuto akong magnakawat mailagay ko kayo sa kahihiyan.

Mga Karagdagang Kawikaan
10Huwag mong sisiraan ang katulongsa harap ng kanyang amo,baka isumpa ka niya at magdusa ka.11May mga sumusumpa sa kanilang mga amaat hindi pinagpapala ang kanilang mga ina.12May mga malilinis ang turing sa sarili,subalit hindi sila nalilinissa kanilang karumihan.13May mga taong mapagmataasna kung tumingin akala mo kung sino.14May mga tao namang sakim at napakalupit,pati mahihirap ay kanilang ginigipit.15“Ang mga taong sakimay parang linta.Ang laging sinasabi ay,‘Bigyan mo ako!’“May tatlong bagay na hindi nakokontento, apat na hindi nagsasabi ng ‘Tama na!’:16ang libingan, ang baog na sinapupunan, ang lupang palaging tigang na sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman magsasabi ng ‘Tama na!’17“Ang anak na kumukutyaat sumusuway sa kanyang magulangay tutukain ng uwak sa mga mata,at kakainin ng mga agilaang bangkay niya.18“May tatlong bagay na para sa akin ay kamangha-mangha, apat na hindi ko maunawaan:19Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan, kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan, kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan, at ang pamamaraan ng lalaki sa isang dalaga.20“Ganito ang ginagawa ng babaengnagtataksil sa kanyang asawa:Sumisiping siya sa ibang lalakipagkatapos sasabihin niya,‘Wala akong ginagawang masama.’21“May tatlong bagay na sa daigdig ay yumayanig, apat na bagay na hindi nito matitiis,22Ang aliping naging hari, ang mangmang na sagana sa pagkain,23ang babaeng masungit na nakapag-asawa, at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo.24“Dito sa lupa ay may apat na nilalang, na salat sa laki ngunit pambihira ang katalinuhan:25Ang mga langgam, kahit hindi kalakasan, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw.26Ang mga badyer, kahit mahihina sila, nakagagawa sila ng kanilang tirahan sa mabatong lugar.27Ang mga balang, kahit walang hari, maayos na lumilipad nang sama-sama.28Ang mga butiki, kahit madaling hulihin ng kamay, matatagpuan kahit sa palasyo ng hari.29“May apat na nilalang na akala mo kung sino kapag lumakad:30ang leon (pinakamatapang sa lahat ng hayop at walang kinatatakutan),31ang tandang, ang lalaking kambing, at ang haring nangunguna sa kanyang mga kawal.32“Kung sa kahangalan moʼynagmamayabang kaat nagbabalak ng masama,tigilan mo na iyan!33Hindi ba kapag hinalo nang hinaloang malapot na gatasay magiging mantikilya?Hindi ba kapag sinuntok moang ilong ng isang taoay magdurugo ito?Kaya kapag ginalit mo ang taotiyak na magkakaroon ng gulo.”Biblica, Inc.