Ang Mangangaral1
Walang Kabuluhan ang Lahat
1Ito ang sinabi ng mangangaral na anak ni David na hari sa Jerusalem:2“Walang kabuluhan!”sabi ng Mangangaral.“Tunay na walang kabuluhan!Ang lahat ay walang kabuluhan.”3Ano ang pakinabang ng taosa pagpapakahirap niyangmagtrabaho sa mundong ito?4Lumilipas ang isang henerasyonat itoʼy napapalitan,pero ang mundo ay hindi nagbabago.5Sumisikat ang arawat pagkatapos ay lumulubog;pabalik-balik langsa kanyang pinanggalingan.6Umiihip ang hangin sa timogat pagkatapos ay iihipnaman sa hilaga.Paikot-ikot lang itoat pabalik-balik.7Lahat ng ilog ay umaagos sa dagat,pero hindi naman napupuno ang dagatkahit na patuloy ang pag-agos ng ilog.8Ang lahat ng itoʼy nakakabagotat ayaw na ngang pag-usapan.Hindi nagsasawaang mga mata natin sa katitinginat ang mga tainga natin sa pakikinig.9Ang mga nangyari noon,nangyayari ulit ngayon.Ang mga ginawa noon,ginagawa ulit ngayon.Walang nangyayaring bagosa mundo.10May mga bagay pa bana masasabi mong bago?Nariyan na iyan noon pa,kahit noong hindi pa tayo ipinapanganak.11Hindi na natin naaalalaang mga nangyari noon;ganoon din sa hinaharap,hindi rin ito maaalala ng mga taosa bandang huli.Ang Karunungan ng Tao ay Walang Kabuluhan
12Ako na isang mangangaral ay naging hari ng Israel. Tumira ako sa Jerusalem.13Sa aking karunungan, pinag-aralan kong mabuti ang lahat ng nangyayari rito sa mundo. At nakita kong napakahirap ng gawaing ibinigay ng Diyos sa mga tao.14Nakita kong walang kabuluhan ang lahat ng ginagawa ng tao rito sa mundo. Para kang humahabol sa hangin.15Ang baluktot ay hindi mo maitutuwidat ang wala ay hindi mo maibibilang.16Sinabi ko sa aking sarili, “Mas marunong ako kaysa sa lahat ng naging hari sa Jerusalem. Marami akong alam.”17Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at kamangmangan, pero nakita kong wala rin itong kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin.18Dahil habang nadadagdaganang kaalaman ko,nadadagdagan din ang aking kalungkutan.Biblica, Inc.