Mga Kawikaan29
1Ang taong matigas ang ulokahit maraming beses pinagsasabihanay mapapahamak nang biglaanat hindi na malulunasan.2Kapag matutuwid ang namamahala,nagdiriwang ang madla.Ngunit kapag ang nangungunaay masama,silaʼy lumuluha.3Ang naghahangad ng karununganay nagdudulot ng kasiyahansa magulang.Ang nakikisama sa babaeng bayaranay nagwawaldas ng kayamanan.4Kapag ang layunin ng hari ay katarungan,pinatatatag niya ang kanyang kaharian,ngunit kapag ang layunin niyaay humingi ng suhol,winawasak niya ang kanyang kaharian.5Ang taong nagkukunwaring pumupurisa kanyang kapwaay may pinaplanong masama.6Ang taong masama ay mahuhulisa sarili niyang kasalanan,ngunit ang matuwiday aawit nang may kagalakan.7Kinikilala ng taong matuwidang karapatan ng mahihirap,ngunit hindi nauunawaan ng taongmasama ang mga bagay na ito.8Ang mga taong nangungutyaay nagpapasimula ng gulosa mga bayan,ngunit ang matatalinoang nagpapatigil nito.9Kapag inihabla ng matalino ang hangal,hindi titigil ang hangalsa pagwawala at panunuya,at hindi magkakaroon ng kapayapaan.10Kinamumuhian at gustong patayinng mamamatay-taoang mga taong namumuhay nang matuwidat walang kapintasan.11Ang taong hangalay hindi makapagpigil sa kanyang galit,ngunit ang taong marunongay nakapagpipigil ng kanyang sarili.12Kapag ang pinunoay naniniwala sa kasinungalingan,lahat ng lingkod niyaʼymabubuyo sa kasamaan.13Ang mahirap at ang mapang-apiay parehong binigyan ng Panginoon ng paningin.14Kung ang paghatol ng isang hari sa mahihirapay makatarungan,ang paghahari niyaʼy magiging matatagmagpakailanman.15Ang pagpalo at pagsaway sa bataupang siyaʼy ituwiday magtuturo sa kanya ng karunungan,ngunit kung siya ay pababayaan,ipapahiya niya ang kanyang ina.16Kapag masama ang namumuno,nadadagdagan ang kasamaan.Ngunit sila ay mapapahamakat makikita ito ng mga matuwid.17Disiplinahin mo ang iyong anakat bibigyan ka niya ng kapayapaanat kaligayahan.18Kapag walang pahayag mula sa Diyos,nagkakagulo ang mga tao,subalit mapalad ang taongsumusunod sa kautusan.19May mga utusang hindi mo maturuansa pamamagitan ng salita lamang,sapagkat kahit na ikaʼykanilang nauunawaan,hindi ka nila pakikinggan.20Nakita mo ba ang taongpadalos-dalos magsalita?Mas may pag-asa paang mangmang kaysa sa kanila.21Kung mula pagkabata ng iyong utusanay sinusunod mo ang layaw niya,sa huli ay magiging problema mo siya.22Ang taong galitay nagsisimula ng guloat laging nagkakasalaang mainitin ang ulo.23Ang kayabangan ng taoang magbibigay sa kanya ng kahihiyan,ngunit ang pagpapakumbabaang magbibigay sa kanya ng karangalan.24Ang taong nakikipagsabwatansa magnanakaway ipinapahamak ang kanyang sarili.Kahit sumumpa siyangmagsasabi ng totoo,hindi pa rin niya gagawin ito.25Ang natatakot sa kanyang kapwa at nasamapanganib na bitag,subalit ang nagtitiwala sa Panginoonay magiging panatag.26Marami ang lumalapit sa pinunoupang silaʼy mapakingganngunit tanging ang Panginoon lamangang nagbibigay ng katarungan.27Kinasusuklaman ng matutuwidang masasamâ,at kinasusuklaman din namanng masasama ang matutuwid.
Biblica, Inc.