Mga Kawikaan2

Ang Kahalagahan ng Karunungan

1Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong pusoang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo.2Pakinggan mo kung anoang makapagbibigay sa iyong karunungan at kaalaman.3Manawagan kaupang ikaʼy maging marunong,at magsumamo kaupang ikaʼy makaunawa4na parang naghahanap ka ng pilako anumang nakatagong kayamanan.5Kung gagawin mo ito, malalaman mokung ano ang pagkatakot sa Panginoonat mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.6Sapagkat ang Panginoonang nagbibigay ng karunungan,kaalaman, at ng pang-unawa.7Pinagtatagumpay niyaang taong matuwid,siyaʼy kalasagng mga walang kapintasan.8Sapagkat siya ang nagbabantaysa kanilang daraanan,at ang kanilang landasay kanyang iingatan.
9Sa gayoʼy mauunawaan mokung ano ang tama at mali,kung alin ang makatarungan,at masusunod mo ang daang mabutipara sa iyo.10Sapagkat lalong lalawakang iyong karununganat magbibigay ito sa iyong kaligayahan.11Kapag nakakaunawa kaat marunong magpasya nang tama,iingatan ka nito.
12Ilalayo ka ng karunungansa masamang pag-uugaliat sa mga taong nagsasalitang masama.13Pinili ng mga taong ito na iwananang magandang pag-uugaliat sumunod sa pamamaraanng mga nasa kadiliman.14Natutuwa sila sa paggawa ng masamaat nasisiyahan sa mga kalikuan nito.15Masama ang pag-uugali nilaat hindi matuwid ang kanilang pamumuhay.
16Ilalayo ka ng karunungansa masamang babaena gustong umakit sa iyosa pamamagitan ng kanyangmatatamis na salita.17Iniwan ng ganyang babaeang napangasawa niyanoong kanyang kabataan.Kinalimutan niyaang pangako niya sa Diyosnang silaʼy ikasal.18Kapag pumunta ka sa kanyang tahanan,didiretso ka sa iyong kamatayan,dahil ito ang daan patungo sa libingan.Sapagkat ito ang daantungo sa daigdig ng mga patay.19Kung sino man ang pupunta sa kanyaay hindi na makakauwi;makakalimutan na niya ang daanpatungo sa lugar ng mga buháy.20Kaya tularan moang pamumuhay ng mabubuting taoat mamuhay ka nang matuwid.21Sapagkat ang taong namumuhaynang matuwid at walang kapintasanay mabubuhay nang matagaldito sa daigdig.22Ngunit ang masasamâay palalayasin.Bubunuting parangugat ang mga taksil.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3