Mga Kawikaan28

1Tumatakbo ang masamakahit walang humahabol,ngunit ang matuwiday matapang tulad ng leon.
2Kapag suwail ang isang bayan,ang kanilang pinuno ay madalas napapalitan.Ngunit kung ang pinunoay may pang-unawa at karunungan,mananatiling matatag ang kalagayan.
3Ang taong mahirap na gumigipitsa kapwa niya mahirapay tulad ng rumaragasang ulanna sumisira sa pananim.
4Pinupuri ng masamaang mga taong lumalabag sa utos,ngunit ang sumusunod dito,kinakalaban ang masama.
5Hindi maintindihan ng masasamaang katarungan,ngunit lubos itong nauunawaanng mga lumalapit sa Panginoon.
6Mas mabuti pa ang mahirapna namumuhay nang matuwidkaysa sa mayamangnamumuhay sa kasalanan.
7Ang anak na may pang-unawaay sumusunod sa kautusan,ngunit ang anak na samatatakaw nakikipagkaibiganang magulang niyaʼy binibigyanng kahihiyan.
8Kung yumaman kasa pamamagitan ng patubuan,ang iyong kayamananay mapupunta sa matulunginsa mga nangangailangan.
9Ang taong hindi sumusunodsa kautusan,kahit ang kanyang panalanginay kasuklam-suklam.
10Ang taong inililigaw ang matuwidupang magkasalaay mabibiktima ng sarili niyang mga pakana.Ngunit ang taong namumuhay nang matuwiday tatanggap ng maraming kabutihan.
11Iniisip ng mayayamanna napakarunong na nila,ngunit alam ng taong mahirapna may pang-unawakung anong klaseng tao talaga sila.
12Kapag matuwid ang namumunonagdiriwang ang mga tao,ngunit kapag ang pumalit ay masama,mga taoʼy nagtatago.
13Hindi ka uunladkung hindi mo ipapahayagang iyong mga kasalanan,ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan,kahahabagan ka ng Diyos.
14Mapalad ang taong lagingmay takot sa Panginoon,ngunit mapapahamakang taong matigas ang ulo.
15Para sa mahihirap,ang masamang pinuno,ay katulad ng mabangis na leono nagngangalit na oso.
16Ang pinunong walang pang-unawaay lubhang malupit.Hahaba naman ang buhay ng pinunongsa kasakiman ay galit.
17Ang taong hindi pinatatahimik ng kanyang budhidahil sa pagpatay sa kanyang kapwaay tatakas kahit saanhanggang sa siya ay mamatay.Huwag ninyo siyang tulungan.
18Ang namumuhay nang matuwiday ligtas sa kapahamakan,ngunit mahuhulog sa hukayang namumuhay sa maling pamamaraan.
19Ang masipag magsaka ng kanyang lupainay laging sagana sa pagkain,ngunit ang naghahabol sa mga bagayna walang saysayay masasadlak sa kahirapan.
20Ang taong tapatay sasagana sa pagpapala,ngunit ang taong nagmamadaling yumamanay parurusahan.21Hindi mabuti ang may kinikilingan,ngunit may mga gumagawa nitodahil sa kaunting suhol.22Nagmamadaling yumamanang taong sa pera ay gahaman,ngunit ang hindi niya alampatungo pala siya sa kahirapan.23Pasasalamatan ka pa ng tao sa hulikapag sinaway mo siya nang tapatkaysa panay ang papuri mo sa kanyakahit hindi nararapat.24Ang taong nagnanakaw sa magulangat sasabihing hindi iyon kasalananay walang pinagkaiba sa isang kriminal.25Ang taong sakimay nagpapasimula ng kaguluhan,ngunit ang taong nagtitiwala sa Panginoonay magtatamo ng kasaganaan.26Hangal ang taong nagtitiwalasa kanyang sariling kakayahan.Ang taong namumuhay na may karununganay ligtas sa kapahamakan.27Ang taong mapagbigay sa mahihirapay hindi kukulangin,ngunit ang nagbubulag-bulaganay tiyak na susumpain.28Kapag masama ang mga pinuno,mga tao ay nagtatago.Ngunit kapag namatay sila,ang matutuwid ang mamumuno.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3