Mga Kawikaan27

1Huwag mong ipagyabangang gagawin mo bukas,sapagkat hindi mo alamkung anong mangyayarisa araw na iyon.
2Huwag mong purihin ang iyong sarili;pabayaan mong iba ang sa iyo ay pumuri.
3Ang buhangin at bato ay mabigat,ngunit mas mabigat na problemaang idudulot ng taong hangal.
4Mapanganib ang taong galit,ngunit ang taong selosoay higit na mapanganib.
5Mas mabuti ang pagsawayna lantaran,kaysa sa pag-ibigna hindi ipinapaalam.
6Ang masakit na pagsaway ng isangtunay na kaibigan ay may katuturan,ngunit ang halik ng kaaway ay hindi maaasahan.
7Kahit pulot ay tinatanggihanng taong busog,ngunit sa taong gutomkahit pagkaing mapait ang lasaay matamis sa kanya.
8Ang taong lumayassa kanyang bahayay parang ibong lumayassa kanyang pugad.
9Ang langis at pabangoay gaya ng tapat na payong isang kaibigan na nagdudulotng kaligayahan.
10Huwag mong talikuranang iyong kaibigano ang kaibigan ng iyong pamilya.Kapag may sakunang nangyari,huwag kang pupuntasa bahay ng iyong kapatid;mas nakakatulong paang malapit na kapitbahaykaysa kapatid na nasa malayo.
11Anak, magpakatalino kaupang ako ay maging maligaya,at upang may maisagot akosa nagpapahiya sa akin.
12Ang taong maalam ay umiiwassa paparating na panganib,ngunit ang taong wala sa katinuanay sumusuong sa panganib,kaya siya ay napapahamak.
13Tiyakin mong makakuha ng garantiyasa sinumang nangakong managotsa utang ng hindi mo kilala,upang matiyak mong mababayaran ka.
14Kapag may bumatinang pasigaw sa umaga,kahit na itoʼy isang pagpapala,ituturing itong sumpa.
15Ang asawang bungangeraay parang tumutulong bubungansa panahon ng tag-ulan.
16Hindi siya mapatigil,tulad ng hanging hindi mapigilano kaya ng langis na hindi mahawakan.
17Kung paanong pinatatalasng bakal ang kapwa-bakal,ang tao namaʼy matututosa kanyang kapwa-tao.
18Kapag inalagaan mo ang puno ng igos,makakakain ka ng bunga nito.Ganoon din kapag pinagmalasakitan moang iyong amo,ikaw naman ay kanyang pararangalan.
19Kung paanong ang mukha ng taoay naaaninaw sa tubig,ang pagkatao namanay makikita sa iyong puso.
20Ang kapahamakan at kamatayanay walang kasiyahan,gayon din ang hangarin ng tao.
21Pilak at ginto sa apoy sinusubok,ang tao naman ay nasusuboksa pamamagitan ng papuringkanyang natatanggap.
22Tadtarin mo man ng parusaang taong hangal,ang kahangalan niyaay hindi mo pa rin maiaalis sa kanya.
23Mga hayop mo ay iyong alagaanat ang kawan mo ay pakabantayan.24Sapagkat ang kayamananay hindi mamamalagi magpakailanman.Maging ang korona ay lilipasat hindi magtatagal sa habang panahon.25Kapag ang dayami ay nawalaat bago na ang mga usbong,at ang mga damo sa parangay natapos nang natipon,26ang mga tupa ay magbibigaysaʼyo ng kasuotan,at ang mga kambing namaʼy maipagbibili mosa halaga ng isang bukid.27Mula sa mga kambing, makakakuha kang maraming gatasna sapat sa pangangailanganng iyong pamilyaat mga babaeng utusan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3