Mga Kawikaan26
1Kung paanong hindi nababagayna mag-nyebe sa tag-arawat umulan sa panahon ng tag-ani,hindi rin nababagay na parangalanang taong hangal.2Ang sumpa ay hindi tatalabsa walang kasalanan.Tulad ito ng ibong hindi dumadapoat lilipad-lipad lamang.3Kailangan ang latigo para sa kabayo,bokado para sa asno, at pamalopara sa hangal na tao.4Huwag mong sagutin ang hangalkung nakikipag-usap siya sa iyong kahangalan,at baka matulad ka rin sa kanya.5Sagutin mo ang hangalayon sa kanyang kahangalanpara hindi niya akalaing siyaʼy matalino.6Kapag nagpadala ka ng mensahesa pamamagitan ng isang mangmang,para mo na ring pinutol ang iyong mga paa,at para ka na ring gumawang sariling kapahamakan.7Tulad ng walang silbing mga paa ng isang lumpoang kawikaang sinasabi ng isang hangal.8Ang pagpaparangal sa isang hangalay parang batong nakatali sa tirador.9Ang kawikaan sa bibig ng isang hangalay walang silbi katulad ng tiniksa kamay ng isang lasing.10Kahangalan ang pumana ng kahit sino;gayon din ang pagkuha sa hangalo sa sinumang dumadaanupang upahan.11Inuulit ng hangal ang kanyang kahangalan,tulad ng asong binabalikanang kanyang suka upang kainin.12Mas mabuti pa ang hinaharapng isang taong mangmangkaysa sa taong nagmamarunong.13Ang batugan ay hindi lumalabas ng tahanan,ang kanyang dahilanay may leon sa lansangan.14Gaya ng pintuang pumipihit sa bisagraang batugan na papihit-pihitsa kanyang kama.15May mga taong sobrang tamadna kahit ang kumainay kinatatamaran.16Ang akala ng batuganmas marunong pa siyakaysa sa pitong tao natamang mangatuwiran.17Mapanganib ang nanghihimasoksa gulo ng may gulo,ito ay tulad ng pagdakmasa tainga ng aso.18Ang taong nandarayasa kanyang kapwaat saka sasabihing,“Nagbibiro lamang ako,”ay tulad ng isang baliw napumapana sa mga taogamit ang kanyang umaapoyat nakamamatay na palaso.20Namamatay ang apoykung ubos na ang panggatong,natitigil ang away kung wala nang tsismisan.21Kung uling ang nagpapabaga at kahoyang nagpapaliyab ng apoy,ang taong palaaway namanang nagpapasimula ng gulo.22Ang tsismis ay parang pagkaingmasarap nguyain at lunukin;at nakakarating sa kaloob-looban ng tao.23Maaaring itago ng magandang pananalitaang masamang isipan,tulad nito ay mumurahing bangana pininturahan ng pilak.24Maaaring ang kaawayay magandang magsalita,ngunit ang nasa isip niyaay makapandaya.25Kahit masarap pakingganang kanyang pananalitaay huwag kang maniwala,sapagkat ang iniisip niyaay napakasamâ.26Maaaring ang galitay kanyang maitago,ngunit malalantad din sa karamihanang masama niyang gawa.27Ang humuhukay ng patibongay siya rin ang mahuhulog doon.Ang nagpapagulong ng malaking batoay siya rin ang magugulungan nito.28Ang sinungaling ay nagagalitsa nabiktima niya ng kasinungalingan,at ang taong nambobolaay ipapahamak ka.
Biblica, Inc.