Mga Kawikaan25

1Narito pa ang ilang kawikaan ni Solomon na kinopya ng mga tauhan ni Haring Ezequias ng Juda.2Karangalan ng Diyosna ilihim ang isang bagay,at karangalan naman ng harina tuklasin ang isang bagay.3Kung gaano kataas ang langitat kalalim ang lupa,ganoon din ang puso ng harina hindi kayang saliksikin.
4Ang dumi sa pilak ay tanggalinupang ang pandayay magawa itong gamitin.5Kailangang alisin ang masasamangtauhan ng hariupang magpatuloy ang katuwiransa kanyang kaharian.
6Kung nasa harapan ka ng hari,huwag mong ipagyabang ang iyong sarilio di kayaʼy ilugar ang sarilisa mga dakilang nanunungkulan.7Mas mabuti kung siya ang magsabi,“Halika dito sa aking tabi,”kaysa ipahiya ka sa harapng mga maharlika.
8Huwag kang magpabigla-biglang magsabisa korte ng iyong nakita.Kung mapatunayan ng isang saksi na mali ka,ano na lang ang gagawin mo?
9Kung may alitan kayo ng iyong kapwa,itoʼy inyong pag-usapan muna.At ang lihim ng bawat isaay huwag sasabihin sa iba.
10Baka makarating sa kaalaman ng madlaat kayoʼy maging kahiya-hiya.
11Kapag ang salitang binigkasay angkop sa pagkakataon,itoʼy parang gintong mansanasna nakalagay sa isang lalagyang pilak.
12Tulad ng gintong hikawo mamahaling hiyas na gintoang pagsaway ng matalinosa nakikinig na tao.
13Ang mapagkakatiwalaang sugoay nagbibigay ng kasiyahansa kanyang pinaglilingkuran,tulad ng malamig na tubigsa panahon ng tag-init.14Ang taong hindi tumutupadsa kanyang pangakoay parang ulap at hanginna walang dalang ulan.
15Ang mapagpasensyaat ang mahinahon magsalitaay makapanghihikayat ng mga pinunoat kahit na ng may matitigas na puso.
16Huwag kang kakain ng labis na pulotat baka magsuka ka.17Huwag kang dadalaw ng madalas sa iyong kapitbahay,baka magalit siya at sa iyo ay magsawa.
18Ang taong sumasaksisa kasinungalingan labansa kanyang kapwaay nakakapinsala tulad ng espada,pamalo at pana.19Ang pagtitiwala sa taonghindi mapagkakatiwalaansa oras ng pangangailanganay walang kuwentatulad ng paang pilay o ngiping umuuga.20Kung aawitan mo ng masasayanghimig ang taong labis ang hinagpis,para mong binuhusanng suka ang kanyang sugat,o di kayaʼy inalisan siyang balabal sa taglamig.
21Kapag nagugutom ang iyong kaaway,pakainin mo;kapag nauuhaw,painumin mo.22Kapag ginawa mo itomahihiya siya sa iyoat ang Panginoonang magpapala sa iyo.
23Kung paanong ang hanging habagatay nagdadala ng ulan,nagdadala naman ng galitang naninira ng kapwa.
24Mas mabuting tumira nang mag-isasa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahay na kasamaang asawang palaaway.
25Ang magandang balitamula sa malayong lugaray parang malamig na tubigsa taong nauuhaw.26Ang matuwid na umaayonsa gawain ng masamang taoay parang maruming balonat malabong bukal.
27Kung paanong masamaang pagkain ng labis na pulot,ganoon din ang paghahangadng sariling kapurihan.
28Ang taong walang pagpipigil sa sariliay tulad ng isang bayanna nasira ang pader.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3