Mga Kawikaan24

Ikadalawampung Kawikaan

1Huwag kang mainggit sa mga taong masamao hangarin mang makipagkaibigan sa kanila.2Sapagkat ang iniisip nila at sinasabiay para sa kapahamakan ng iba.

Ikadalawampuʼt Isang Kawikaan

3Sa pamamagitan ng iyong husay,maitatayo mo at mapapaunladang iyong tahanan.Mapupuno rin itong mahahalagang kayamanan.

Ikadalawampuʼt Dalawang Kawikaan

5Ang taong marunongay malaki ang maitutulongupang lalong lumakasang mga nakikipaglaban,6sapagkat kailangan nilang mga payo sa pakikipaglaban.At higit na matitiyak ang tagumpaykung maraming nagpapayo.

Ikadalawampuʼt Tatlong Kawikaan

7Ang karunungan ay hindi maunawaanng mangmang.Wala siyang masabikapag mahahalagang bagayang pinag-uusapan.

Ikadalawampuʼt Apat na Kawikaan

8Ang taong laging nagpaplano ng masamaay kikilalaning may pakanang kasamaan.9Anumang pakana ng hangal ay kasalanan,at kinasusuklaman ng mga taoang sinumang nangungutya.

Ikadalawampuʼt Limang Kawikaan

10Kapag ikaw ay pinanghihinaan ng loobsa panahon ng kahirapan,kay liit naman ng iyong lakas!11Sagipin mo ang mga taong patungosa kanilang kamatayan;iligtas mo silang mga patungosa kanilang kapahamakan.12Kapag sinabi mong,“Hindi namin alam ʼyan,”hindi baʼt alam ito ng Diyosna sumisiyasat sa puso?Siya ang nagbabantay sa iyong buhay,hindi ba niya nalalaman ito?Gagantimpalaan niya ang lahatayon sa kanilang mga ginawa.

Ikadalawampuʼt Anim Kawikaan

13Anak, kumain ka ng pulotsapagkat mabuti ito sa iyo,ang pulot mula sa pulot-pukyutanay matamis sa iyong panlasa.14Sapagkat kung marunong ka,mapapabuti ang iyong kinabukasanat mapapasaiyo ang iyongmga hinahangad.

Ikadalawampuʼt Pitong Kawikaan

15Huwag kang tumambangna parang magnanakawsa bahay ng matuwid,huwag mong pagnakawanang kanilang tahanan.16Ang taong matuwid,mabuwal man ng pitong ulitay tiyak na makakabangon ulit.Hindi tulad ng taongmasama na kapag nabuwalay hindi na makakabangon pa.

Ikadalawampuʼt Walong Kawikaan

17Huwag kang magdiwangkapag bumagsak ang iyong kaaway,o di kayaʼy magalaksa kanilang pagkakadapa,18dahil kapag nakita ng Panginoonna ikaʼy nasisiyahan,hindi niya ito magugustuhan,at ang iyong kaaway ay hindina niya parurusahan.

Ikadalawampuʼt Siyam na Kawikaan

19Huwag kang mabalisao mainggit sa mga taong masasama,20sapagkat wala silang mabuting kinabukasanat magiging tulad silang ilaw na namatay.

Ikatatlumpung Kawikaan

21Anak, matakot ka sa Panginoonat sa hari.Huwag kang makisamasa mga taong sumusuway sa kanila,22sapagkat hindi mo alam kung anong kapahamakanang biglang ibibigay ng Panginoono ng hari sa kanila.
23Narito pa ang ilang kawikaan ng marurunong na tao:Hindi dapat magtangi ng taosa paghatol ng katarungan.24Kapag pinalaya moang taong may kasalanan,susumpain kaat kamumuhian ng mga tao.25Ngunit kapag pinarusahan moang may kasalanan,matutuwa ang mga taoat pagpapalain ka.
26Ang matapat na sagotay tulad ng halik ng pagkakaibigan.
27Ihanda mo muna ang iyong pagkakakitaan,tulad ng iyong bukid na tanimanbago ka magtatag ng sariling tahanan.
28Huwag kang sasaksi sa iyong kapwanang walang sapat na dahilan,o magsalita laban sa kanyang kasinungalingan.29Huwag mong sasabihin,“Gaganti ako.Gagawin ko sa kanyaang ginawa niya sa akin.”
30Dumaan ako sa bukidng isang tamaddoon sa ubasanng isang walang muwang.31Puno na ito ng mga damoat matitinik na halaman,at giba na ang mga bakod nito.32Nang makita ko ito,napaisip ako nang mabuti,at natutunan ko ang aral na ito:33Sa kaunting dagdag na tulog,sa kaunting pag-idlip,sa kaunting paghahalukipkipng mga kamay para magpahinga,34darating na parang magnanakawang kahirapanat ang kakulangan gayang pagsalakay ng tulisan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3