Mga Kawikaan23

Ikapitong Kawikaan

1Kapag kumakain kakasalo ng taong may mataasna katungkulan,mag-ingat ka sa ikikilos mo.2Kung palakain ka,pigilan mo ang iyong sarili.3Huwag mong pagnasaanang mga pagkaing kanyang inihanda,dahil inihain iyon upang linlangin ka.

Ikawalong Kawikaan

4Huwag mong pahirapanang sarili mo sa pagpapayaman.Maging matalino kaat ang sarili ay pigilan.5Dahil ang kayamananay madaling mawalaat tila may pakpakna lumilipad sa kalawakantulad ng isang agila.

Ikasiyam na Kawikaan

6Huwag kang kumaino matakam sa pagkainna inihanda ng taong kuripot,kahit ito ay masarap.7Sapagkat ang taong ganyanbawat subo moʼy binabantayan.Sasabihin niya,“Sige, kumain ka pa.”Ngunit hindi pala ganoonang nasa isip niya.8Kaya lahat ng kinain moʼyisusuka moat ang mga papuri mo sa kanyaay mababalewala.

Ikasampung Kawikaan

9Huwag kang magsasalita sa hangal,sapagkat ang sasabihin mong karunungansa kanyaay wala ring kabuluhan.

Ikalabing-isang Kawikaan

10Huwag mong agawino sakupin ang lupa ng mga ulilasa pamamagitan ng paglilipatng mga muhonna matagal nang nakalagay.11Sapagkat ang kanilangmakapangyarihang tagapagtanggolay ang Panginoon.Siya ang magtatanggol sa kanilalaban sa iyo.

Ikalabindalawang Kawikaan

12Makinig ka kapag itinutuwidang iyong pag-uugaliupang ikaw ay matuto.

Ikalabintatlong Kawikaan

13Huwag kang magpapabayasa pagdidisiplina sa iyong anak.14Ang tamang pagpaloay hindi niya ikamamataykundi makapagliligtas pa sa kanyasa kamatayan.

Ikalabing-apat na Kawikaan

15Anak, kung may dunong ang iyong puso,ang puso koʼy magagalak din.16Tunay ngang magagalak ang aking kaloobankung ang mga salitang lalabas sa labi moʼymula sa karunungan.

Ika-labinlimang Kawikaan

17Huwag kang maiinggitsa mga makasalanan,sa halip igalang mo ang Panginoonhabang nabubuhay ka.18At kung magkagayonay gaganda ang kinabukasan moat mapapasaiyo angmga hinahangad mo.

Ikalabing-anim na Kawikaan

19Anak, pakinggan moang itinuturo ko sa iyo.Maging matalino kaat sundin mo ang tamang daan.20Huwag kang makikisamasa mga hayok sa alako sa mga matatakaw sa pagkain,21sapagkat ang mga lasenggoat matatakaway hahantong sa kahirapan,at dahil tulog sila nang tulog,sa bandang huliʼy magdadamitsila ng basahan.

Ika-labimpitong Kawikaan

22Makinig ka sa iyong amana pinanggalingan ng iyong buhay,at huwag mong hamakin ang iyong inakapag siya ay matanda na.23Pagsikapan mong mapasaiyoang katotohanan, karunungan,magandang pag-uugali at pang-unawa.At huwag mo itong ipagpapalitsa anumang bagay.24Matutuwa ang iyong mga magulangkung matuwid ka at matalino.25Ikaliligaya nilang silaang naging iyong ama at ina.

Ikalabingwalong Kawikaan

26Anak, makinig kang mabuti sa akinat tularan mo ang aking pamumuhay.27Sapagkat ang babaeng bayaranay isang malalim na hukay,at ang asawang nangangaliwaay makitid na balon.28Para siyang tulisanna nag-aabang ng mabibiktima,at siya ang dahilan ng pagtataksilng maraming lalaki sa kanilang mga asawa.

Ikalabinsiyam na Kawikaan

29Sino ang may hinagpis?Sino ang may kalungkutan?Sino ang mahilig sa away?Sino ang mareklamo?Sino ang nasugatanna dapat sana ay naiwasan?At sino ang maymga matang namumula?30Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapasa ibaʼt ibang klase ng alak!31Huwag kang matakamsa alak na napakagandang tingnansa isang basoat tila masarap ang pasok sa lalamunan.32Sa bandang huli,kapag ikaw ay nalasing na,parang natuklaw ka ng ulupong,at nalason ng kamandag nito.33Kung anu-ano ang makikita moat hindi ka makakapag-isip ng mabuti.34Pakiramdam moʼy nasa gitna ka ng dagatat nakahiga sa ibabaw ng palo  ng barko.35Sasabihin mo, “May humampasat sumuntok sa akin,ngunit hindi ko naramdaman.Kailan kaya mawawala ang pagkalasing koupang muli akong makainom?”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3