Mga Kawikaan22

1Mas mabuting piliin ang malinis na pangalankaysa sa maraming kayamanan.Ang paggalang ng tao sa iyoay mas mahalaga pakaysa pilak at ginto.
2Ang Panginoon ang lumikha sa tao,mayaman man o mahirap.
3Ang taong maalamay umiiwas kung may panganib,ngunit ang wala sa katinuanay sumusuong sa panganib,kaya napapahamak.
4Ang paggalang sa Panginoonat pagpapakumbabaay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay,kayamanan at karangalan.
5Lumalakad ang taong masamasa daang matinikat may mga patibong.Ang nag-iingat sa sariliay umiiwas sa daang iyon.
6Ituro sa bata ang daangdapat niyang sundan,at kahit sa kanyang pagtandaay hindi niya ito kalilimutan.
7Ang mahihirap ay nasa ilalimng kapangyarihan ng mayayaman,at ang nangungutangay alipin ng nagpapautang.
8Ang naghahasik ng kasamaanay aani ng kapahamakan,at matitigil na ang kanyangpamiminsala sa iba.
9Ang nagbibigay ng pagkain sa dukhaay tiyak na pagpapalain.
10Kapag pinalayas moang mga taong nanunuya,mawawala na ang alitan,kaguluhan at pang-iinsulto.
11Ang taong may malinis na pusoat mahinahon magsalitaay magiging kaibigan ng hari.
12Binabantayan ng Panginoonang mga taong may karunungan,ngunit sinisira niya ang planong mga taksil.
13Ang taong tamad ay laging may dahilan,sinasabi niyang baka siyaay lapain ng leon sa daan.
14Ang salita ng masamang babaeay parang malalim na hukay,at doon nahuhulogang kinamumuhian ng Panginoon.
15Likas sa mga bata ang pagiging pilyo,ngunit magiging matuwid silakung didisiplinahin.
16Ang nagreregalo sa mayamano nang-aapi sa mahihirapupang yumamanay hahantong din sa karalitaan.

Unang Kawikaan

17Pakinggan mo ang mga sinasabing marurunong.Pakinggan mong mabutihabang itinuturo ko ito sa iyo,18dahil magbibigay ito sa iyong kaligayahankung malalaman mo ito at masasaulo.19Itinuturo ko ito sa iyo ngayonupang magtiwala ka sa Panginoon.20Ang tatlumpung kawikaang itona isinulat koay magdudulot sa iyong mga karunungan at payo.21Sa pamamagitan nitoʼy malalaman moang mga katotohananat masasagot moang mga magtatanong sa iyo. 

Ikalawang Kawikaan

22Huwag mong abusuhinang mga mahihirapo apihin man sila sa mga hukuman,23sapagkat ipagtatanggol silang Panginoon.Anuman ang gawin ninyongmasama sa kanilaay gagawin din niya sa inyo.

Ikatlong Kawikaan

24Huwag kang makipagkaibigansa taong madaling magalit,25baka mahawa ka sa kanyang pag-uugaliat para ka na ring naglagayng bitag para sa iyong sarili.

Ikaapat na Kawikaan

26Huwag kang mangangakona magbabayad sa utang ng iba,27dahil kapag hindi ka nakapagbayad,pati ang higaan mo ay kanilang agawin.

Ikalimang Kawikaan

28Huwag mong gagalawinang mga batong hanggananna inilagay ng mga ninuno mo noon.

Ikaanim na Kawikaan

29Ang taong mahusay magtrabahoay maglilingkod sa mga hariat hindi sa mga pangkaraniwang tao.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3