Mga Kawikaan21

1Ang isipan ng hari ay parang ilogna pinapadaloy ng Panginoonsaan man niya naisin.
2Inaakala ng tao na tamaang lahat ng kanyang ginagawa,ngunit sinisiyasat ng Panginoonkung ano ang nasa puso.
3Ang paggawa ng matuwid at makatarunganay kalugod-lugod sa Panginoonkaysa sa paghahandog.
4Ang mapagmataas na mataat mayabang na puso,ang ilaw  ng mga masasamaay kasalanan.Ganyan ang ugaling mga taong makasalanan.
5Ang gawaing plinanong mabutiat pinagsikapanay patungo sa kaunlaran,ngunit ang gawaing padalos-dalosay maghahatid ng karalitaan.
6Ang kayamanang nakuha sa pandarayaay madaling mawalaat maaaring humantongsa maagang kamatayan.
7Ang karahasan ng masasamâang magpapahamak sa kanila,sapagkat ayaw nilang gawin ang tama.
8Hindi matuwid ang gawainng taong may kasalanan,ngunit matuwid ang gawainng taong walang kasalanan.
9Mas mabuti pang tumirang mag-isasa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahayna ang kasamaay asawang palaaway.
10Ang masasamâay laging gustong gumawa ng masamaat sa kanilang kapwaay wala silang awa.
11Kapag ang manunuyaay pinarusahan mo,ang mga wala sa katinuanay matututo.Kapag ang marunong namanang tinuruan mo,lalo siyang magiging matalino.
12Alam ng matuwid na Diyoskung ano ang ginagawang sambahayan ng masasamâ,at parurusahan niya sila.
13Ang hindi pumansin sa daing ng mahirap,kapag siya naman ang dumaingay walang lilingap.
14Kapag ang kapwa mo ay may galit sa iyo,mawawala iyon sa palihim na regalo.
15Kapag katarungan ang umiiral,ang mga matuwid ay natutuwa,ngunit natatakot ang masasama.
16Ang taong lumilihis sa karununganay hahantong sa kamatayan.
17Ang taong maluho at puro pagdiriwangay hindi yayamankundi lalo pang maghihirap.
18Pinarurusahan ang masasamaat makasalananupang iligtas ang taong matuwid.
19Mas mabuti pang manirahan sa disyertokaysa manirahan sa bahay na kasamaang asawang magagalitin at palaaway.
20Ang taong marunong ay pinaghahandaanang kanyang kinabukasan,ngunit ang mangmang,winawaldas ang lahathanggang sa maubusan.
21Ang taong namumuhaysa katuwiran at kabutihanay hahaba ang buhay,magtatagumpay at pararangalan.
22Mapapasuko ng matalinong pinunoang bayan na maraming sundalo,at kaya niyang gibain ang mga paderna kanilang inaasahang tanggulan.
23Ang taong nag-iingatsa kanyang mga sinasabiay nakakaiwas sa gulo.
24Ang taong palalo at mayabangay makikilala modahil nangungutya siyaat sukdulan ang kayabangan.
25Kung marami kang ninanaisngunit tamad kang magtrabaho,iyon ang sisira sa iyo.
26Ang taong tamaday laging naghahangad na makatanggap,ngunit ang taong matuwiday nagbibigay nang walang alinlangan.
27Kinasusuklaman ng Panginoonang handog ng taong masama,lalo na kung ihahandog niya itonang may layuning masama.
28Patitigilin sa pagsasalitaang saksing bulaan,ngunit ang saksing nagsasabing totoo ay pakikinggan.
29Ang taong masama ay hindi pinag-iisipanang kanyang ginagawa,ngunit ang taong matuwiday pinag-iisipan muna nang mabutiang kanyang ginagawa.
30Walang karunungan,pang-unawa o payoang makakapantay sa Panginoon.
31Kahit nakahanda na ang mga kabayopara sa digmaan,ang Panginoon pa rinang nagbibigay ng katagumpayan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3